Monday, August 25, 2014

Ginez pinababa sa pwesto dahil sa katiwalian sa prangkisa

KINALAMPAG ng iba’t ibang samahan ng ilang bus company ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa East Avenue, Barangay PiƱahan, Quezon City kaninang umaga, Agosto 27, upang paalisin sa puwesto si Chairperson Winston Ginez.


Sinabi ng may 50 nag-aakalas na mga empleyado sa pangunguna ng Unyon ng mga Manggagawa ng Grand Star Bus Company at iba pa, na nalaman nilang nakikipagkuntsabahan si Ginez sa ilang kumpanya ng bus para magamit ang mga lumang mga prangkisa.


Ayon kay Julius Vargas, nagpakilalang presidente ng Unyon ng mga Manggagawa ng Grand Star Bus Company, 2008 pa nagsara ang nasabing kumpanya pero nadiskubre nilang ipinapagamit ang prangkisa sa JAC Liner at Lucena Lines na batay anila sa markings ng mga bus.


Dahil dito, ipinanawagan ng grupo ang pagbibitiw sa puwesto ni Ginez.


Hindi naman nakuha ang panig ni Ginez hinggil sa nasabing akusasyon dahil hindi ito mahagilap.


Humantong pa sa girian ang protesta nang sapilitang kumpiskahin ng mga tauhan ng ahensya ang dalang tarpaulin ng mga raliyista.


Bahagya namang naabala ang transaksyon sa LTFRB nang pansamantalang isara ang gate para hindi makapasok ang mga protesters. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Ginez pinababa sa pwesto dahil sa katiwalian sa prangkisa


No comments:

Post a Comment