Tuesday, August 26, 2014

Radio station manager sa Pangasinan, kritikal sa pamamaril

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Isang radio station manager ng Dagupan City ang malubhang nasugatan sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa Dagupan City, kaninang madaling-araw, August 26.


Nakilala ang biktima na si Orly Navarro, DWIZ 89.3 FM News station manager sa nasabing lungsod.


Sa radio report ng DZBB, sinabi si Rey Langit, DWIZ station manager sa Manila, naganap ang insidente ala-1:00 ng umaga malapit sa bahay ng biktima.


Ayon pa sa report, si Navarro ay isinugod sa Pangasinan Medical Center para sa kanyang madaliang operasyon.


Napag-alaman na si Navarro ay nakikipag-usap sa isang tricycle driver malapit sa kanilang bahay ng may lumapit na hindi pa nakikilalang lalaki at pinaputukan si Navarro sa kanyang dibdib.


Agad na tumakas ang suspek makaraang bumulagta si Navarro.


Ayon sa Aliw Broadcasting, isang “hard hitting” commentator si Navarro na siyang nagbibigay ng commentary sa Dagupan City local government at sa chief-of-police nito.


Nangako naman ang kapulisan na hindi magkakaroon ng “whitewash” sa gagawing imbestigasyon.


Matatandaan na umabot sa 26 media practitioners ang napapatay buhat noong naging presidente si Pangulong Benigno Aquino III. Allan Bergonia


.. Continue: Remate.ph (source)



Radio station manager sa Pangasinan, kritikal sa pamamaril


No comments:

Post a Comment