DELIKADO umano ang buhay ni Ret. Major Gen. Jovito Palparan, Jr. sa loob ng Bulacan Provincial Jail dahil posibleng pagplanuhan itong itumba ng may limang lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na kasama nitong nakakulong sa nasabing piitan.
Ito ang pangamba ngayon ni AFP Chief of Staff Gen. Pio Gregorio Catapang, Jr., base na rin sa ‘threat assessment’ ng intelligence officials at operatiba ng AFP.
“We want him (Palparan) alive, so that he could have his day in court and face the charges levelled against him,” pahayag ni Catapang.
Sinabi pa ni Catapang na kailangang maprotektahang mabuti ang buhay ni Palparan hanggang sa matapos ang paglilitis dahil mismong ang AFP ay nais ding mabatid ang katotohanan sa likod ng kaso ng itinuturing na high profile fugitive.
Napag-alaman na limang lider ng NPA ang nakapiit rin sa Bulacan Provincial Jail na bagaman hindi naman kasama ni Palparan sa selda ay iisa ang lugar kanilang ginagalawan tulad sa pag-eehersisyo, kinakainan at pinagpapahingahan. Robert Ticzon
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment