Saturday, August 23, 2014

MRT, balik-operasyon ngayong Linggo

NAIBALIK na sa normal na operasyon ang Metro Rail Transit (MRT) ngayong Linggo matapos magkaabrerya ang radio communication system nito kahapon, Sabado.


Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng MRT-3, alas-2:00 ng madaling-araw nitong Linggo nang makumpuni na ang nagkaaberyang communication system.


Sabado ng tanghali nang suspendihin ng MRT ang operasyon dahil sa problema na hindi na naibalik hanggang gabi.


Alas-4:30 ng madaling-araw nang umalis sa North Avenue Station ang unang biyahe ng MRT.


Una nang ipinaliwanag ni Cabrera na dahil sa isyu ng kaligtasan, hindi maaaring patakbuhin ang MRT kung walang maayos na two-way communications sa pagitan ng mga train operator at ng control center.


Magugunitang ngayong buwan lamang, nadiskaril sa Taft Station ang isa sa mga tren ng MRT na nagresulta sa pagkasugat ng halos 40 pasahero. Hindi pa kasama rito ang dalawang sumunod na aberya at ang pagbaba sa speed limit ng mga tren sa 40 kilometers per hour (kph) mula sa dating 60 kph. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



MRT, balik-operasyon ngayong Linggo


No comments:

Post a Comment