IKINASA na ilang grupo ang kanilang kilos-protesta bukas sa Luneta Park, Manila na tinaguriang “million people march part 2.”
Ayon kay Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares, ipakikita nila mamaya ang mga tarpaulin, T-shirts at iba pang gagamitin sa rally upang malaman ng publiko ang layunin ng kanilang pagkilos.
Gagawin ito sa kanilang tanggapan sa West Kamias, Quezon City.
Para sa mambabatas, bahagi ito ng kanilang preparasyon para sa mas malaking protesta na katatampukan din ng ibang mga grupo.
Batay sa ulat, umaabot na sa 19,700 ang naghayag ng interes na dumalo, 3,000 naman ang hindi pa tiyak, habang inaasahan umano na mas marami ang kusa na lamang na pupunta.
Noong nakaraang linggo ay nagsagawa na rin ng noise barrage ang ilan sa mga ito sa iba’t ibang panig ng Metro Manila, habang kahapon naman ay nagkaroon na ng kickoff ang kanilang people’s initiative laban sa lahat ng anyo ng pork barrel. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment