DAPAT respetuhin ang pagkakatalaga ni Pangulong Noynoy kay dating Solicitor-General Francis Jardeleza bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema.”
Ito ang inihayag ni Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Vicente Joyas bunsod ng kaliwa’t kanang batikos na inabot ng Pangulo sa pag-appoint sa dating SolGen.
Ayon kay Joyas, dapat respetuhin ang desisyon ni Pangulong Aquino sa pagpili sa bagong Associate Justice na alinsunod naman sa konstitusyon.
Hindi anya maaaring kwestyunin ng sinuman ang motibo at pananaw ng Punong Ehekutibo sa pagdedesisyon.
Bagaman inuulan ng batikos, tiwala naman si Joyas na hindi makikisawsaw si Jardeleza sa mga kaso na kanyang inihain sa SC noon bilang kinatawan ng gobyerno. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment