Thursday, August 21, 2014

Makati City umalma sa overpriced cake

PINABULAANAN ng Makati City Government na umaabot sa P1,000 ang kada cake na ibinibigay sa mga nagbe-birthday na senior citizen at nagsi-silver wedding anniversary na residente ng lungsod.


Ayon kay City Administrator Eleno Mendoza, P307.75 lamang ang halaga ng bawat cake at nakasaad ito aniya sa kanilang purchase order.


Sinabi ni Mendoza na patunay itong nagsisinungaling si Atty. Renato Bondal, isa sa mga nagsampa ng kasong plunder laban sa mag-amang Vice President Jejomar Binay at Makati City Mayor Jun Jun Binay nang sabihing nasa P1,000 at mas mahal pa sa mga kilalang brand sa merkado ang ipinamimigay na cake ng local government.


Hinamon naman ni City Spokesperson Joey Salgado, tagapagsalita rin ni Vice President Binay si Bondal na maglabas ng dokumento para patunayan ang kanyang alegasyon hinggil sa halaga ng nasabing cake.


Maliban dito, dumaan din sa bidding ang pagbili sa mga nasabing cake. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Makati City umalma sa overpriced cake


No comments:

Post a Comment