Thursday, August 21, 2014

BINAY DAPAT NANG MAGDESISYON

ITO kasi ang nakikita nating laro ng ating Pangalawang Pangulo ng bansa dahil hanggang ngayon ay wait and see pa rin siya sa laro ng Malakanyang lalo na ni Pangulong Noynoy Aquino.


Bilang Pangalawang Pangulo ng estado ay marapat lamang siyang makitaan ng drastikong hakbang at desisyon hinggil sa pagpapalakad ng Pangulo dahil mayroon siyang mandato at obligasyon sa taumbayan.


Sa ipinakikita kasi ng Pangalawang Pangulo ng bansa ay halatadong inaantay niya ang desisyon ni PNoy na may kaugnayan sa 2016 kaya naman lahat ng kanyang hakbang at pahayag ay maikokonsidera nating play safe.


Hindi na biro ang nagdaang isyu ng Disbursement Acceleration Program at Priority Development Assistance Fund kaya naman hinahanapan na siya ng mamamayan.


Sinasabi niyang siya ang lider ng oposisyon pero sa ating pananaw ay malinaw na kakampi pa rin siya ng administrasyong kasalukuyan dahil wala siyang matapang na pahayag sa mga isyung nagpapahirap sa taumbayan.


Panahon na para magdesisyon si Binay dahil hindi naman deserving ang Filipino sa ganitong lider na mistulang pinaiikot ang bayan at sambayanan para lamang sa kanyang sariling kapakanan.


Ang kailangan ng bayan ay isang pinuno na may tunay na malasakit sa tao kaya panahon na para ipahayag ng Pangalawang Pangulo kung siya ba ay kaanib ng administrasyon o lider ng oposisyon.


o0o

Maganda ang ipinakikitang tulong ng Muntinlupa City sa pangkalahatan kapakanan ng Metro Manila.


Sila kasi ay pumayag para paglagyan ng terminal ng bus galing ng Southern Tagalog at mga bus din na naglalagari sa EDSA.


Medyo mabigat ang magiging pasaning ito ng siyudad pero dahil nga sa likas na matulungin itong si Mayor Jaime Fresnedi ay tinanggap niya ang hamon ng bayan.


‘Yan dapat ang ugali ng pinuno ng bansa dahil ito ngayon ang kailangan ng ating bayan, hindi iyong lider na pabigat pa sa ekonomiya ng estado. ALINGAWNGAW/Alvin Feliciano


.. Continue: Remate.ph (source)



BINAY DAPAT NANG MAGDESISYON


No comments:

Post a Comment