MABINI, PANGASINAN – Isang barangay ang nangangamba ngayon sa pagkalat ng iba’t ibang sakit dahil sa pagdami ng langaw sa isang piggery sa Barangay Bacnit, sa nasabing lalawigan.
Sa sumbong sa REMATE online, daang mga residente sa Barangay Bacnit ang nangangamba sa mga naapektuhan buhat noong itinayo ang poultry sa nasabing barangay.
Ayon kay Elma Cambe, nakatayo ang Mabini Public Cemetery sa nasabing poultry na siyang patuloy na dinudumog at pagdami ng langaw at napakabaho at amoy baboy ang paligid ng piggery.
“Marami ng affected sa lugar namin at kung patuloy ang mga langaw na ito sa aming lugar, dadami pa ang magkakasakit,” ani Cambe.
Ayon sa residente, nangangamba sila sa mga kalusugan ng bata kung gayong wala pang action ang lokal na pamahalaan.
Ang nasabing poultry ay pag-aari diumano ng vice-mayor ng Mabini.
Dulog ng mga residente kay Mabini Mayor Titos Reyes na bigyan ng pansin ang kanilang hinaing pagkat walang galaw ng Mabini Municipal government. Allan Bergonia
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment