PATAY na nang maiahon sa Manila Bay ang isang 67-anyos na lolo matapos malunod habang naliligo sa Roxas Boulevard, Maynila.
Nakitaan ng mga gasgas sa katawan ang biktimang si Antonio Boral, ng 584-98 San Andres St., Malate, Maynila.
Ayon kay SPO1 Rodelio Lingcong, ng Manila Police District-homicide section, huling nakitang buhay ang biktima na nakatayo sa sea wall ng Manila Bay ni Aya Palcena, estudyante sa Mapua kalahating oras bago ito nakitang lumulutang sa tubig.
“Nag si-selfie sina Aya at mga kaklase niya sa lugar nang makitang nakatayo ‘yong biktima, pero hindi nila alam kung papaano ito napunta sa tubig at nalunod, pero malamang na tumalon at lumangoy kaya nalunod,” ayon kay Lingcong.
Tinangka pa umano ng vendor na si John Mendoza na sagipin ang biktima ngunit patay na rin ito.
Dinala ang bangkay sa St. Rich Funeral para sa awtopsiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment