Saturday, August 23, 2014

Popemobile na ipagagamit sa Santo Papa, pinag-aaralan

PINAG-AARALAN umano ngayon ng preparatory committee kung ano ang popemobile na ipagagamit nila kay Pope Francis sa pagdating nito sa bansa sa Enero 15-19, 2015.


Ayon kay Henrietta de Villa, dating Philippine ambassador to the Vatican at bahagi ng preparatory committee para sa papal visit, isa sa kanilang pinagpipilian ay ang ‘jeepney-inspired popemobile’.


Nakuha umano nila ang ideya sa katatapos na pagbisita ni Pope Francis sa South Korea kung saan sumakay ito sa isang simple at local-built na behikulo.


Gayunman, nilinaw ni De Villa na hindi siya ang in-charge sa naturang bagay at wala pa aniyang pinal na desisyon hinggil dito.


“Nothing is fixed yet,” ani De Villa. “I’m not actually the one in charged of this but I think there are suggestions for a jeepney that is open on top.”


“So maybe it would be better for him to use jeepney here,” aniya pa.


Nabatid na sa kanyang pagbisita sa South Korea ay humiling ang Santo Papa ng isang compact car bilang sasakyan ngunit sa nalalapit na pagbisita sa Pilipinas ay wala naman aniya itong kahalintulad na hiling.


Posible rin umanong maisapinal ang mga bagay-bagay sa papal visit, tulad ng popemobile, sa Nobyembre, sa pagbalik sa bansa ng Vatican team na siya ring nag-inspeksyon sa ipinanukalang itinerary para sa papal visit sa Maynila at Leyte.


Ang jeepney ay isa sa pinaka-ordinaryo at pinakamurang uri ng public transportation sa Pilipinas. Macs Borja


.. Continue: Remate.ph (source)



Popemobile na ipagagamit sa Santo Papa, pinag-aaralan


No comments:

Post a Comment