Monday, August 25, 2014

PABOR SA BONAPOR SA SUBIC POWER PLANT

MATATAPOS na ngayong Agosto ang palugit sa scrapper na BONAPOR na makontrobersyal na nanalo sa pa-bidding sa scrap ng Power Plant na iniwan ng mga Amerikano sa Subic.


Ito Ang Totoo: bigo ang BONAPOR na hakutin sa loob ng anim na buwan mula Enero hanggang Hunyo 2013 batay sa kondisyon ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang libo-libong toneladang itinuturing na scrap materials.


Noong Enero 2014, binigyan na naman ng SBMA Board ang BONAPOR ng anim na buwan simula Pebrero, bagama’t may mga kondisyon, kasama ang “handling” ng “hazardous materials” tulad ng asbestos at PCB.


Simula’t sapul ay masalimuot na itong transaksyon na napanalunan ng BONAPOR sa halagang P36.5M sa ikalawang bidding matapos ma-disqualify ang nanalong Speed Plus na may bid na P37.2M, mataas lamang ng isandaang libong piso sa winning bid na P37.1M ng nanalo sa unang bidding na binalewala.


Katunayan, P42M dapat ang winning bid sa unang bidding pero nahuli raw ng isang minuto ang pagpasok ng bid, bagay na pinabulaanan mismo ng ilang miyembro ng “Bids & Awards Committee.”


Tinatayang aabot ng P100M ang halaga ng mga materyales sa Power Plant lalo pa at may walong gumagana pang malalaking diesel power generator, bukod sa mga tanso at iba pang metal.


Nauwi nga sa BONAPOR ng pinal na “award” sa halagang P36.5M pero lumalabas na Speed Plus pa rin ang kumikilos.


Lumiit lang ang babayaran nito sa SBMA na dapat sana P37.2M kung hindi nadiskwalipika dahil may isinumiteng pekeng dokumento.


Ito Ang Totoo: mistulang pinaboran ni SBMA Director Philip Camara ang Speed Plus na pag-aari ng isang Cesar “Oscar” Cruz nang ilapit niya ito sa hepe ng Bids & Awards Committee noon na si Atty. Maria Leonora R. Tabladillo na nag-resign bunga nito.


May abiso rin ang Commission on Audit na nakipag-meeting si Camara kay Cruz batay sa hinihiling nitong re-imbursement ng kinain nila.


Lumalabas na Speed Plus ang tumatrabaho sa ngalan ng BONAPOR at ngayong patapos na naman ang palugit at hindi pa rin makatupad sa alituntunin ng transaksiyon, ano na naman kayang pabor ang ibibigay ng SBMA sa BONAPOR? ITO ANG TOTOO/Vic V. Vizcocho, Jr.


.. Continue: Remate.ph (source)



PABOR SA BONAPOR SA SUBIC POWER PLANT


No comments:

Post a Comment