Monday, August 25, 2014

“KAYO ANG BOSS KO” PANIS NA

LIBO-LIBO nating kababayan ang humugos sa Luneta kahapon para magprotesta laban kay Pangulong Aquino.


Heto na nga kaya ang simula ng sambayanang lakas para siya ay mapatalsik?


Bukod sa ipinababasurang pork barrel, kinokondena si PNoy dahil sa lumalalang kawalan ng trabaho, kahirapan, gutom, kasalatan sa pagkain at patuloy na pagsirit ng presyo ng mga pangunahing produkto.


Binabatikos din si PNoy hanggang ngayon sa makupad na pagtugon ng kanyang gobyerno sa rehabilitasyon ng mga nasalanta ng nakaraang mga bagyo, partikular ng typhoon Yolanda.


Kung baga, nagkahalo-halo na ang mga sakit ng ulo ni PNoy.


Hindi na lang pork barrel ang gusto nilang maalis kundi mismong si Aquino na rin…sa Malacañang.


Ang totoo kasi, bwisit na bwisit na kay PNoy ang sambayanan.


Nakatutulili na ang kanyang palaging sinasabi na “Kayo ang boss ko.”


Kahapon, ang mga boss na mismo ni PNoy ang sumisigaw na lumayas na siya sa Palasyo ng Malakanyang, este, sa bahay pangarap pala.


E, bakit nga ba kasi?


Kasalanan mismo ito ni PNoy.


Ang “daan niyang matuwid” ay baluktot na baluktot na.


Ang sinasabi niyang “wala nang wang-wang” ay kabuwangan.


Siya mismo ay gustong mag-abuso sa kapangyarihan.


Sinabi niyang gusto na niya ng term extension.


Extension ba kamo, PNoy?


Magpunta po kayo sa beauty parlor at palagyan n’yo ng extension ang buhok n’yo!!!


Hindi na po ba kayo nahiya?


Tingnan n’yo ang totoong sitwasyon ng Filipino.


Gutom na po kami.


Hirap na hirap kasi’y marami sa amin ang walang trabaho.


Kaya marami ang pumapatay at gumagawa ng masama.


Ang mga boss n’yo sa mga iskuwater ay nagkakasakit, walang pera, walang pampagamot, hindi makakain ng maayos at sapat.


Kayo lang ng mga kapanalig at tauhan ninyo ang yumayaman.


Gusto n’yo pang magtagal diyan sa puwesto.


Neknek mo! KANTO’T SULOK/Nats Taboy


.. Continue: Remate.ph (source)



“KAYO ANG BOSS KO” PANIS NA


No comments:

Post a Comment