Monday, August 25, 2014

Alan Peter Cayetano bully — Abi Binay

TAHASANG tinawag na bully ni Makati City Rep. Abigail Binay si Senate Majority Floor Leader Alan Peter Cayetano.


Ito ang reaksyon ng mambabatas sa ginawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee hinggil sa umano’y overpricing sa pagpapatayo ng Makati City Hall Annex.


Ayon sa nakababatang Binay, tila ginagamit ni Cayetano ang kanyang pambu-bully sa kanyang amang si Vice-President Jejomar Binay para sa ambisyong politikal para sa 2016 Presidential elections.


Ibinunyag pa ni Binay na inuutusan umano ni Cayetano ang mga tauhan nito na maagang mangampanya upang hindi mangulelat pagdating ng mismong election period. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Alan Peter Cayetano bully — Abi Binay


No comments:

Post a Comment