Sunday, August 24, 2014

OPLAN: BABUYIN ANG JUSTICE SYSTEM-SUPREME COURT

DAHIL sa 13-0 na desisyon ng Supreme Court kamakailan laban sa iligal at unconstitutional na PDAF at DAP, ayaw nang tantanan ng mga kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino 3rd ang kapantay ng sangay ng pamahalaan.


Pursigido sila na pilayin ang hudikatura.


Si Iloilo congressman na may kasong plunder at corruption din naman at Ilocos Congressman Rodolfo Fariñas ay todo-pasa ang kanilang panukala na wasakin ang Judicial Development Fund (JDF) na sinasabi nilang katapat ng congressional pork barrel?


Bagaman natakpan ng isyung “one more time” para kay Noynoy raw, walang tigil ang dalawang kongresista, kasama ang kanilang tropa, sa pagsusulong ng kaltas JDF.


Patunay lang na may go signal sila kay Pangulong Aquino. Kung wala ba naman, bakit ayaw nilang tigilan?


Sadyang sagad pa rin kasi ang personal na galit ng kanilang boss sa Supreme Court dahil sa PDAF at lalo na sa DAP.


Kung tutuusin, binaboy na nga ng rehimeng Aquino ang Korte Suprema kailan lang.


Nagmukhang tanga ang Judicial Bar Council (JBC), isang kinatawan na ang trabaho ay magsuri, magsino at magsumite ng mga kandidato para sa mga kandidato para maging Mahistrado.


Sa pinal na rekomendasyon ng JBC, wala roon ang pangalan ni dating Solicitor General Francis Jardeleza.


Binaboy ni BSA3 ang batas ng pagtatalaga dahil diyan.


Dapat, isang buwan lang ay aksyunan na niya pero inabot pa ng mahigit dalawang buwan?


Hayun, kaya pala, pinilipit ng Malacañang at mga kaalyado na ilagay si Jardeleza at nasunod.


Isang araw lang, isinumpa na siya, este, pinanumpa na ang manok ni Noynoy bilang bagong miyembro ng Supreme Court!


Kaagad, umalulong uli sina Tupas at Fariñas, tuloy ang pagsibak sa JDF ng Supreme Court!


Bakit, dahil nakaupo na ang manok ninyo?


Isipin ninyong mabuti, panglima na si Jardeleza sa iniupo ng inyong amo sa SC.


‘Yung naunang apat, kasama sila sa unanimous decision (13-0) na laban sa PDAF, lalo na ang DAP.


Ibig bang sabihin ninyo, pag-upo ni Jardeleza, magbabago pa ang desisyon ng mga Mahistrado?


Kaya bang baliktarin, sirain ng isang Jardeleza ang buong Korte Suprema? Mag-isip kayo!


Kung mayroon mang dapat tanggalan ng pondo, ito ang buong Kongreso dahil pawang mga inutil ang nakaupo ngayon. Iyan ang totoo.


Kumita na kayo. Wala ba kayong kabusugan?


Magkano ang bayad sa pagbababoy ninyo sa Supreme Court at buong Hudikatura?


Mga baboy! BALETODO/Ed Verzola


.. Continue: Remate.ph (source)



OPLAN: BABUYIN ANG JUSTICE SYSTEM-SUPREME COURT


No comments:

Post a Comment