PATULOY ang pagtatapon ng napakabahong basura ng International Container Terminal Services, Inc., (ICTSI) sa Parola Compound, Tondo, Manila.
Walang ginagawang aksyon ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila at Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay ng napakabahong basura na itinatapon ng ICTSI sa Parola Compound, Tondo.
Halos araw-araw ay dumarami ang langaw at batang nagkakasakit dulot ng mga itinatapon na bulto-bultong basura galing sa nasabing kompanya.
Ang masakit nito, ipinarating na ng residente ng Parola ang kanilang karaingan laban sa napakabahong basura ng ICTSI sa mga kinauukulan pero patuloy na nagbibingi-bingihan ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila at ang DENR.
Mayor Erap Estrada at DENR Sec. Ramon Paje, paki-aksyunan ang itinatapon ng ICTSI na mabahong basura.
PATONG NGA BA SA SUGALAN SI MAYOR
Sa Ibaan, Batangas ay super sa katamaran kumilos si Mayor Juan Toreja para sugpuin ang talamak na operasyon ng bookies ng STL ni Jerry Acebo.
Halos ilang beses na nating tinatawagan ng pansin si Mayor Toreja sa nasabing iligal na sugalan na ino-operate ng nasabing gambling lord ngunit dinededma lamang niya!
Magkano kaya ang dahilan, este, ano kaya ang dahilan kung bakit dinededma ni meyor ang lantarang bookies ng STL ni Jerry Acebo?
BOOKIES NG KARERA SA MAYNILA
Sa Maynila naman ay patuloy ang bookies ng karera ng nagbabalik na si Joe Maranan na ang front nito ay si Joefrey ng Pandacan, Manila. Walang ipinagmamalaki si Maranan kundi si CIDG Gen. Ben Magalong. Toto ba ito, heneral?
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/Johnny Magalona
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment