Sunday, August 24, 2014

Nanay na may sayad pinatay ang 2-buwan na anak

DEPRESYON at sakit sa pag-iisip ang tinitingnan dahilan ng isang ina sa pagkitil sa buhay ng kanyang dalawang-buwang gulang na anak.


Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang suspek na kinilala sa alyas na “Ling-ling”, 16, ng Sta. Lucia, Barangay Ngan, Compostela, Compostela Valley Province matapos makita ang bangkay ng bata sa isang plantasyon ng saging na tinabunan ng mga dahon ng saging kasama ang isang bote ng gatas.


Ayon sa lola ng bata, kinuha ni Lingling sa kanya ang sanggol at hindi na nito nalaman kung saan dinala.


Nakatanggap umano ng impormasyon mula sa Compostela Police Station na may nakitang bangkay ng bata na nasa state of decomposition na, na agad nilang pinuntahan at nakumpirma na apo niya ito.


Nanlulumo naman ang matanda matapos makita ang apo na may nakatapal na brief sa bunganga.


Ito umano ang dahilan upang hindi marinig ng mga residente ang iyak ng sanggol.


Dagdag pa ng lola, huling nakitang mag-isa ang ina ng biktima sa Crossing Gabi, Bgy. Poblacion at sinabi pa na kanyang dinala sa Davao City ang anak.


Hindi agad nalaman ng ama ng bata na si alyas “Balong” ang nangyari sa kanyang anak dahil nagtatrabaho ito sa isang minahan.


Wala rin umano silang problema ng kanyang asawa na posibleng dahilan sa nasabing krimen. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Nanay na may sayad pinatay ang 2-buwan na anak


No comments:

Post a Comment