Sunday, August 24, 2014

Palparan, gustong ilipat ang kaso sa Sandiganbayan

HUMIHIRIT ang kampo ni retired Maj. Gen. Jovito Palparan sa Korte Suprema na mailipat ang kanyang kinakaharap na kaso sa sala ng Sandiganbayan mula sa Bulacan Regional Trial Court (RTC).


Ayon kay Palparan, bukas ay posibleng maihain na nila ang naturang kahilingan sa kataas-taasang hukuman.


Pero nilinaw ng retiradong sundalo na hindi niya kinukwestyon ang Bulacan court sa paraan ng paghawak nito sa kaso, sa halip nais lang umano nilang mailagay sa tamang sistema ang proseso, lalo’t naniniwala silang anti-graft court ang mas may hurisdiksyon sa kaso.


Giit ng panig ni Palparan, heneral pa siya sa panahon na sinasabing nangyari ang pagdukot kina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno, kaya Sandiganbayan ang dapat na maglitis sa kanya para sa anomang usapin. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Palparan, gustong ilipat ang kaso sa Sandiganbayan


No comments:

Post a Comment