INIIMBESTIGAHAN na ng awtoridad kung sino ang may kagagawan sa pagkakatagpas sa ulo ng isang habal-habal driver na natagpuan sa palayan sa Mandaon, Masbate.
Inaalam na rin ngayon ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na pumatay sa biktima na kinilalang si Nilo Manlapas, 28.
Ayon kay Insp. Eddie Compuesto, deputy chief of police ng PNP-Mandaon, nabatid na isang pasahero ang nagpahatid sa biktima mula sa bayan ng Aroroy patungo sa Barangay Anas sa bayan ng Mandaon.
Subalit lumipas na umano ang magdamag ay hindi pa ito bumabalik.
Kinaumagahan, nagulantang na lamang ang may-ari ng isang palayan sa naturang lugar nang matagpuan ang katawan ng biktima na pugot na ang ulo.
Nakuha umano ang ulo ng biktima apat na metro mula sa kanyang katawan.
Puno rin aniya ng taga sa kili-kili at sa iba pang bahagi ang katawan ni Manlapas.
Kaugnay nito, mas pinalalim pa ng pulisya ang imbestigasyon hinggil sa karumal-dumal na pangyayari. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment