Friday, August 1, 2014

NALUHA ANG AQUINO SISTERS

NAGARALGAL ang boses ni Pangulong Noynoy sa dulo ng kanyang talumpati noong Lunes sa kanyang sona o state of the nation address.


Parang halos tutulo na ang kanyang luhang nakakubli sa kanyang mga salamin sa mata.


Lumuha rin si Kris, pati na rin ang kanyang mga kapatid na babae.


Bakit kaya sila napaiyak? Dahil ba two years nalamang ang natitira sa kanyang termino?


Sa gitna ng kanyang talumpati ay nakatitig siya sa lahat ng mga taong masigabong nag papalakpakan sa kanya.


Tuwang-tuwa sila dahil sa patuloy na pagtatanggol niya sa kanila sa kabila ng akusasyon ng pagdarambong napinupukol sa kanila.


Malungkot si Noynoy sa kabila ng mga achievement niya na hango sa mga report na nakuha niya sa kanyang mga ka panalig.


Sa bawa’t sentence na binigkas niya ay laging may isang palakpak na naghihintay sa kanya.


May mga nagpalakpakan kaya sa harap ng mga television screen ng kanyang mga bossing?

Mukhang walang natalang ganoong pangyayari.


Nanginginig ang boses ni Noynoy sa katapusan ng kanyang speech. Ang mga taong nagpapalakpakan sa kanya ay ang mga taong kinamumuhian ng marami sa ating mga dukhang mamamayan.


Inulit ni Noynoy ang kayang paniwala na nangonti na ang mahihirap. Wala na raw classroom shortage.


Nagawa na ang napakaraming kalye na ang haba ay halos around the world na.


Kay rami na rin daw na nagbigyan na ng bubong para sa mga nasalanta ni Yolanda.


Wala raw namatay sa sinasakupan ng probinsya ni Gov. Joey Salceda sanhi ng bagyong Glenda.


Paano naman ang mga namatay sa ibang lugar?


Sino kaya ang nagbigay ng mga ganitong statistics sa kanya?


Sila kaya ang mga taong magbabalimbing pagwala na siya sa puwesto?


Sila ba ang mga dating mambabatas at mga miyembro ng gabinete ni Gloria Macapagal-Arroyo tulad nina Procy Alcala, Diny Soliman, Butch Abad, Joey Salceda at Mar Roxas? DEEP FRIED/Raul Valino


.. Continue: Remate.ph (source)



NALUHA ANG AQUINO SISTERS


No comments:

Post a Comment