Friday, August 1, 2014

MAAGANG PAMUMULITIKA NI BONG GORDON

NANGANGAMOY politika na sa Lungsod ng Olongapo at kaliwa’t kanan ang banatan.


Ito Ang Totoo: simula nang pumasok ang buwan ng Hulyo, parang rainy-season offensive ang inilunsad ng kampo ni dating mayor James “Bong” Gordon, Jr., gamit ang sariling broadcast station, social media at mga politikong kapwa nasa pwesto pa at hindi na.


Damay ang plano ng SM na magtayo ng mall sa complex na kinatatayuan ng Olongapo City Convention Center, Gordon College, Marikit Park at iba pa na dating kinontra ni Paulino.


Paliwanag ni Mayor Paulino, sa kasalukuyang usapan, hindi kasama ang Marikit Park kaya bukas siya sa ideya.


Hinahanapan din ni dating Konsehal Gina Perez ng resibo ang kinita ng “night market” sa panahon ni Paulino na una nang naipahayag naman ng Mayor na kumita ng sapat upang makabili ang lungsod ng dalawang dump truck na gamit ngayon sa pagpapalalim ng ilog para maiwasan ang pagbaha.


Sa panahon ng amo ni Perez na si Bong Gordon, pinakamalaking deklaradong kita sa “night market” ng lungsod ay P250K na hindi pa malinaw kung pumasok o hindi sa kaban ng bayan.


Katunayan, si Perez, Gordon at pamangkin nitong si JLo ang dapat magpaliwanag kung saan napunta ang kinita sa panahon ng dating administrayon na sila ang magkakasabwat sa paglalagay ng “night market” pati sa ibabaw ng tulay papasok sa Subic Bay Freeport.


Kinukuwestyon rin ni Perez ang appointment ni First Lady Cynthia Paulino bilang kinatawan ng Olongapo sa Board ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) pero ito, maituturing na “sour-graping” dahil bigong inambisyon talaga ni Perez ang pwesto at nagparekomenda pa nga ito sa dating “Gordon-controlled” na konseho.


Bakit din daw, tanong ni Perez, ang halos isang-bilyong pisong halagang sanitary land-fill project ay itinuloy pa gayong napakamahal nito pero, Ito Ang Totoo: kasama si Perez sa pag-apruba ng proyekto sa panahon ni Bong Gordon at ang kasalukuyang administrasyon ay wala nang magawa kundi tapusin ito para pakinabangan ng tao.


Okay naman na ang mga isyu ay pag-usapan pero sana ang layunin ay malaman ang katotohan, hindi para ang politika ng kung sino diyan ay maisulong lang. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/Vic V. Vizcocho, Jr.


.. Continue: Remate.ph (source)



MAAGANG PAMUMULITIKA NI BONG GORDON


No comments:

Post a Comment