Friday, August 1, 2014

COUP D’ETAT vs NOYNOY

SA nakarang limang pangulo – simula kay Ferdinand Marcos hanggang kay Gloria Arroyo, nabuhay ang bansa sa threat ng coup d’etat.


Subalit dalawang pag-aaklas lamang ang nagtagumpay – napatalsik ng mga galit na mamamayan sina Marcos at Joseph Estrada sa puwesto.


Samantalang sina Corazon Aquino, Fidel Ramos at Gloria Arroyo ay masuwerteng hindi naranasan ang sinapit nina Marcos at Erap.


Noong Mayo 2010, nahalal si Benigno Aquino lll. Sa kasaysayan, siya ang Pangulo na nakakuha ng tanghod ng mga Pinoy sa rami ng nakuhang boto.


Ngunit apat na taon pagkatapos, muli na namang napag-uusapan ang pag-aalburuto raw ng militar para mapatalsik ang nakaupong presidente.


Pesteng yawa…kakambal na yata ng Pinas ang coup d’etat!


Ang ulat na coup ay nagsimula nang ibulgar sa media ni Sen. Antonio Trillanes ang umano’y nilulutong pagpapatalsik kay PNoy.


Ayon pa kay Trillanes, ang pag-aaklas ay kagagawan daw ng ilang retiradong heneral ng militar na kilalang kaalyado ni Arroyo.


Pero sa mga idinadawit na heneral sa sinasabing coup d’etat, kathang-isip lang daw ni Trillanes ang sinasabing coup sa gobyernong Aquino.


Baka lang daw maniobra ni Trillanes ang ibinulgar na coup para malayo ang isyu sa DAP sa madla na siya mismo ay kasama. May punto ang sagot ng mga heneral dahil ang coup ay malaking estorya na kakagatin ng media para malayo ang attention sa usaping DAP scam.


May coup laban kay Pangulong Aquino, ayon kay Trillanes, pero sabi ng idinadawit na mga heneral, gawa-gawa lang daw iyon ng coup leader-turned senator.


May katotohanan ba o tsismis lang ang ulat na ito? Magmatyag tayo!


PAGING CIDG BATANGAS


Walang aksyon si CIDG Batangas chief C/Insp. Benjie Calapis sa paratang na sila’y ‘di kumikilos laban sa nagkalat na iligal sa Batangas.


Para sa kaalaman ni Calapis, lantaran ang operasyon ng cookie ni Madam Angie sa Tanauan City, kasama ang mga kasosyong sinaKon. Taba, Kap. Mike, Lito at Kap. Lucido.


Karay-karay ang pangalan ni Calapis ng mga iligalistang sina Kap. Noel, Kap. Ineo, Kap. Indo, Acedo, Kap. Dimailig, Carling, Bongbong at Fress. CHOKEPOINT/Bong Padua


.. Continue: Remate.ph (source)



COUP D’ETAT vs NOYNOY


No comments:

Post a Comment