BINAWIAN ng buhay ang isa sa apat na mga deboto na tinamaan ng kidlat habang nasa gitna ng karagatan sa isla ng Bacacay, Albay.
Ayon kay P/C/Insp. Luke Ventura ng Bacacay Municipal Police Station, binawian ng buhay ang biktima na kinilalang si Jerry Ecuenca, 30, mula sa Barangay Bilbao bayan ng Rapu-rapu dahil sa matinding tama ng kidlat sa katawan.
Kritikal naman hanggang ngayon ang tatlong iba pa na sina Gina Barquilla, 21, Reynante Basaca, 10, at Domingo Barbe, pawang ng Brgy. Cagbulacao.
Ayon kay Ventura, base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, nasa bahagi ng pier si Ecuenca habang ang tatlong biktima ay nasa isang bangka sa gitna ng karagatan nang sabay-sabay itong tamaan ng kidlat.
Aniya, tila naghiwalay ang kidlat na direktang tumama sa mga biktima.
Kaugnay nito, ligtas naman ang ilan sa mga sakay ng bangka na kasama ng mga biktima. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment