Saturday, August 23, 2014

Malinis na suplay ng tubig sa N. Cotabato tiniyak

TINIYAK ng Metro Kidapawan Water District (MKWD) ang malinis na suplay ng tubig sa North Cotabato.


Ito’y matapos buksan ang dalawang malalaking modular steel tank ng MKWD na siyang magsusuplay ng malinis na inuming tubig sa mga residente ng North Cotabato.


Kabilang sa tuloy-tuloy na masusuplayan ng malinis na tubig ang mga barangay ng Magsaysay, Kalaisan, Sumbac, Junction, at Singao sa Kidapawan City gayundin ang mga barangay ng Saguing, Libertad, at Jose Rizal sa Makilala North Cotabato.


Sinabi ni Metro Kidapawan Water District General Manager Stella Gonzales, inutang ng water district sa Local Water Utilities Administration (LWUA) ang P250-milyong pondo para dito.


Ang dalawang malalaking modular steel tank ay matatagpuan sa barangay Magsaysay Kidapawan City at barangay Saguing, Makilala, North Cotabato na kapwa naglalaman ng 300 cubic meters o katumbas ng 750 drum ng tubig. Santi Celario


.. Continue: Remate.ph (source)



Malinis na suplay ng tubig sa N. Cotabato tiniyak


No comments:

Post a Comment