PALAISIPAN pa sa mga otoridad ang pagkamatay ng isang caretaker matapos itong matagpuang wala ng buhay sa loob ng kanyang binabantayan bahay sa Brgy. Old Balara, Quezon City kaninang umaga, Agosto 23, 2014, Sabado.
Kinilala ang biktima na si Natividad Panimbaan, 40, may-asawa, ng 1 Asi Dormitory Compound, Feria Road, Brgy. Old Balara, QC.
Ayon sa ulat ni PO2 Jayson Tolentino ng Quezon City Police District station 6-Batasan, natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang binabantayang bahay sa no. 1 Asi Dormitory Compound, Feria Road, Brgy. Old Balara, QC dakong 9:00 ng umaga.
Natuklasan umanong patay na ang biktima matapos makailang ulit itong hindi mag-reply sa text ng kanyang kaibigan na si Maricel Turrado nitong nakalipas na Biyernes.
Dahil dito, pinuntahan ng witness ang binabantayang bahay ng biktima at dito natuklasan ang walang buhay na bangkay ng biktima na nakahandusay sa sahig at wala ng buhay.
Isasailalim sa awtopsiya ng mga otoridad ang bangkay ng biktima para mabatid kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito. Santi Celario
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment