BIGYAN natin ng daan ang reklamo ng isang Bikolano tungkol sa talamak na paglaganap ng droga sa kanilang lugar sa Virac, Catanduanes na kung saan mismo raw ang mga tiwaling pulis dito ang umano’y “tongpats” sa operasyon ng paglaganap ng drugs dito.
Mabigat ang akusasyong ito kung totoo man dahil kung sino pa ‘yung dapat na mga asahan ng mamamayan na siyang susugpo sa paglaganap ng drugs sa pamayanan ay ang mga iskalawag na pulis pa raw ang “tongpats” dito.
Basahin natin ang reklamo ng nasabing Bikolano.
Magandang umaga. Ako pala ay tawagan n’yong Jake na isang Bikolano. Ireklamo ko ang drugs dito sa amin dahil lumalaganap na dahil sa mga tiwaling pulis.
‘Yung tinutukoy kong nakapatong na mga pulis dito ay sina PO3 Shawarma Itsura, PO2 Diari Gregori at PO3 Jacob Safe. Ang mga pulis na ‘yan ang protektor ng mga shabu sa Virac, Catanduanes.
Hindi mahuli-huli ang mga nagtutulak ng droga rito sa kadahilanang may “patong” nga ang mga pulis na binanggit natin. Ang source pala ng droga rito ay itong isang alyas Sonny Bano alyas Tarok at isang Mommy FB.
Ano ang gagawin namin Sir Johnny? Hindi namin alam kung saan na kami lalapit. Thanks.
LOTTENG NI NANCY LANTARAN SA MUNTI
Sa kaharian ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi ay buong tapang na ino-operate ni Nancy ang iligal na lotteng nito.
Wala kasing ipinagmamalaki si Nancy kundi si Mayor Fresnedi ang kanyang protector.
Mantakin n’yo, halos lahat ng mga barangay ng Muntinlupa ay naipalaganap na ni Nancy ang lotteng nito.
Isang Jake Irinco ang nasa likod ni Nancy kaya hindi ito hinuhuli ng kapulisan.
Totoo ba ito, Mayor Fresnedi, na kayo raw ang ‘Ninong’ ni Nancy rito?
Ano ang ginagawa ni Muntinlupa chief of police Supt. Allan Nobleza sa paglaganap ng lotteng ni Nancy?
Wag n’yo namang sabihin na may lagay siya!
***
Anomang mga reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/Johnny Magalona
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment