Sunday, August 24, 2014

NO-EL AT PNOY, EL NA EL

NAHUHULI nga naman ang isda sa bibig. Nabuking ang Malakanyang na “libog na libog” itong ma-extend sa pwesto si Pangulong Aquino.


Lumutang ang katotohanang may nilulutong “no election” ang administrasyon.


Sinabi ni Press Secretary Edwin Lacierda, hintayin na lang daw ang magiging kandidato ni PNoy sa 2016 KUNG SAKALI raw na matutuloy ang halalan. Me ganun?


Ibig-sabihin ni Lacierda, posible pa lang hindi mangyari ang eleksyong 2016.


Lalo ngayon na isinusulong sa Kamara ang pagrepaso sa Saligang Batas, partikular sa probisyong magbibigay ng pagkakataon sa Pangulo na muling tumakbo sa 2016.


Duda ang oposisyon na economic provision lang ang gagalawin sa Konstitusyon. E, bakit nga raw kailangan pang repasuhin ang economic provision kung ipinagyayabang ni PNoy na umunlad na ang ating ekonomiya?


Sa sandali raw na makalikot na ang Saligang Batas, hindi malayong ikadyot ang political provision na siyang nais ng mga bataan ni PNoy.


Kaya nga ang sabi ng CBCP, huwag nating payagan ang Kongreso na galawin ang Konstitusyon o magkaroon pa ng Charter change dahil napatunayan na nating libog na libog, kating-kati at sabik na sabik na ang mga kampon ni PNoy sa term extension.


Hindi ba, Sec. Lacierda?


***

Sinabi ni Presidential spokesperson Abigail Valte na walang implikasyon sa seguridad ni PNoy ang pagkakapasok sa compound ng Malakanyang ng isang babae na may bitbit na baril at nagsisigaw na bumaba na sa poder ang Pangulo.


Oo nga’t walang implikasyon sa seguridad ni PNoy ang ginawa ng babae pero isa itong malaking sampal sa Pangulo ng bansa. Hinahangaan ko ang babaeng iyon, isang Flora Pineda.


Itinaya niya ang kanyang buhay. Dahil may hawak siyang baril, maaari siyang barilin ng PSG. Mabuti na lang at hindi gayon ang nangyari.


Oo nga’t mali ang kanyang ginawa, pero sa isang banda, iyon ay tama para sa marami na nating kababayang nagugutom at naghihirap sa kasalukuyang pamahalaan.


Si Pineda ay isang ginang na may mga anak na nagsabing gusto niyang umalis na sa puwesto si PNoy dahil patuloy ang paghihirap ng maraming bata. Ang ginawang iyon ni Pineda na mag-isa lang siya ay katumbas ng isang sambayanang lakas (People Power) na sa malamang ay malapit na ring mangyari kung itutuloy ng Malakanyang ang pagpupumilit na manatili ang inutil na Pangulo.


Muli, hinahangaan kita Flora Pineda. KANTO’T SULOK/Nats Taboy


.. Continue: Remate.ph (source)



NO-EL AT PNOY, EL NA EL


No comments:

Post a Comment