Tuesday, August 26, 2014

Life is short..let’s just be happy and forgiving

PANGITI-NGITI at cool lang si Quezon City Mayor Herbert Bautista nang matanong namin kamakailan sa mga punchline at hirit ni Kris Aquino sa naging one on one live interview nito sa kanya sa A & A (Abunda & Aquino) halos dalawang linggo na ang nakakaraan.


“Typical Kris Aquino ‘yon, e,” aniya. “At saka hindi, punchliner talaga ‘yon ng babae, e. Ano ‘yon, e, parang give and take, ‘di ba?


“Parang si Pugo at si Patsy,” pabirong pagtukoy pa niya sa sumikat na comic duo noong araw.


“So, ako si Pugo. Siya si Patsy!” tawa pa niya ulit.


Hindi ba iyon naging awkward para sa kanya?


“Hindi naman. Okey lang ‘yon.


“Natural kasi na mangyayari ‘yon. Natural.”


Isa sa nagmarkang hirit nga ni Kris, ‘yong, hindi raw nananakit nang pisikal si Mayor Herbert, sa damdamin lang. “E, totoo naman ‘yon, e,” tawa ng actor-politician.


First time nilang paghaharap iyon ni Kris pagkatapos nitong magbuhos ng emosyon at magpahayag ng madamdaming statement sa The Buzz. Ang light naman yata ng naging dating agad?


“E magaan naman talaga ‘yong buhay, e. ‘Di Ba?


“Siguro baka marami na siya? Ayoko nang magsalita! Ha-ha-ha-ha!”


Marami na siyang?


“Marami na siyang ginagawa. Marami siyang iniisip. Marami siyang plano.


“Maraming nanliligaw siguro. ‘Di ba?


“Nandiyan si Derek (Ramsay). ‘Di ba?” birong pahabol pa niya bago muling natawa.


“Nababasa ko sa diyaryo ‘yon, e. Wala namang ibig-sabihin ‘yong sinabi ko.


“Pwede ko rin namang banggitin si James (Yap). Ang dami kong pwedeng banggitin.


“Okey lang naman kami,” ‘yong estado ng friendship at samahan nila ni Kris ngayon ang ibig niyang sabihin.


“Wala ako nung nagsalita siya. Nasa London ako nung time na ‘yon.


“And then I saw it sa Youtube.


“And, that’s her reaction, e. Natural sa kanya ‘yon, e.


“We were both on the right time and age na gano’n ang reaksyon namin. Iyon ang tingin ko.”


Kung sabagay, nasabi rin ni Kris na malaki raw ang naging influence at naituro ni Mayor Herbert sa kanya.


“‘Yong influence na sinasabi siguro niya is, life is short. Let’s just be happy and be forgiving. ‘Di ba?


***

Kaparis last year, mas ginusto ni DZMM anchor Ahwel Paz na magsagawa ng medical mission para sa mga kasamahan niya sa media nitong nakaraang birthday niya. Ginawa ito sa kanyang Dong Juan Restaurant sa may Sct. Reyes corner Mother Ignacia St., Quezon City.


Nagpapasalamat si Ahwel sa Rotary Club SFDM Rl District 3780, kay Dr. Jim Sanchez, Dr. Hernando Dalizo, Clinica Manila, at Forma.ph, na tumulong maisagawa ang medical mission niyang ito.


Belated happy birthday Ahwel. Mabuhay ka! RUB IT IN/Ruben Marasigan


.. Continue: Remate.ph (source)



Life is short..let’s just be happy and forgiving


No comments:

Post a Comment