Tuesday, August 26, 2014

Ilang personalidad ng PDI, kinasuhan ng libelo

KINASUHAN kanina, Agosto 26, Martes, ng libelo ang anim na personalidad ng Philippine Daily Inquirer (PDI) at dalawang dating opisyal ng National Agri-Business Corporation (NABCOR) ng broadcast journalist na si Melo Del Prado sa Quezon City Prosecutors Office.


Kinilala ang mga kinasuhan na PDI personnel ang publisher nito na si Raul Pangalangan, editor-in-chief na si Letty Jimenez-Magsanoc, managing editor na si Jose Maria Nolasco, associate editor for online Abelardo Ulanday, news editor Artemio Engracia, Jr., at ang reporter na si Nancy Carvajal.


Kabilang sa kinasuhan ang dating NABCOR officer na si Rhodora Mendoza at Victor Roman Cacal.


Nagsampa ng kaso si Del Prado sa sala ni Assistant City Prosecutor Reynaldo Garcia.


Nag-ugat ang reklamo dahil umano sa serye ng artikulo na nailathala sa PDI nitong nakalipas na Marso 19, 20 at 21, 2014 at Inquirer.net nitong Marso 18, 2014 na umano’y nag-aakusa kay Del Prado na tumanggap umano ng pera mula sa advertising expenses mula sa Priority Development Assistance Funds (PDAF).


Ayon kay Atty. Reginald Francisco, abogado ni Del Prado, malisyoso umano ang naturang istorya dahil hindi umano tama ang nailathalang ulat at nabigo ang PDI na beripikahin ang naturang ulat bago ilahatha sa naturang pahayagan na nakasira umano sa reputasyon ng kanyang kliyente.


Sinabi pa ng abogado ni Del Prado na bumase lamang umano ang PDI sa kanilang istorya sa tseke, vouchers at affidavits ni Cacal at Mendoza na kabilang umano si Del Prado sa nakatanggap ng kontrobersyal na PDAF.


Ang naturang artikulo umano na nailathala ay siyang dahilan ng pagsasampa ng kasong libelo ni Del Prado sa naturang pahayagan. Santi Celario


.. Continue: Remate.ph (source)



Ilang personalidad ng PDI, kinasuhan ng libelo


No comments:

Post a Comment