Tuesday, August 26, 2014

Ang lakas manglait, chaka naman!

MAY balak nga raw bumalik muli sa Kapamilya network si Jolina Magdangal at tila nga naiinip na ito sa kawalan ng assignment na teleserye. Matatandaang mula nang manganak ito ilang buwan na ang nakararaan, ‘di pa ito nabibigyan ng follow-up project. Subalit wala naman daw itong sama ng loob sa Kapuso network dahil meron pa naman siyang isang show tuwing Linggo ang SAS kung saan regular siya.


Posible nga siyang lumipat doon sa ABS-CBN kung saan siya nag-umpisa at sumikat at kasabay ni Rica Peralejo dahil nga hindi siya nabibigyan ng bagong show at inaantay na lamang nitong matapos ang kanyang kontrata sa Channel 7. Itinanggi ito ng singer/actress na wala siyang natatanggap na offer. In fact, isinama siya sa malaganap na teleserye na Niño na hindi nga lang niya tinanggap dahil bago lang siyang kapapanganak ng panahon na iyon.

-0-

Ang lakas raw manlait nitong Ramon Bautista na tawagin ang mga babae sa Davao na “hipon” na maganda lang ang katawan pero pangit ang mukha. Ngitngit ng pitong atsay, huwag daw siyang makapintas dahil siya mismo ay pangit ang face at mukha siyang sea horse (pasintabi kay Vice walang ganda) say ni Aling Rosenda ang pambansang movie fan. Pareho kasi silang pintasero.


Taga-Davao kasi si Aling Rosenda at ang sabi pa nito, guwapo ang kanyang mister na ‘di hamak kahit farmer lang ito may lahi ring matatawag. Oo nga naman. In fairness, ipinakita niya ang larawan ng kanyang mister na nasa plantation ng pinya nagtatrabaho at siya naman ay pumasok na yaya rito sa Luzon para makita niya ang mga artista kung sakaling maluwas siya ng Maynila.


Ayaw kasi niya ng pintasero lalo pa’t ang namimintas ay mga pangit din. Dati raw pinanonood niya ang It’s Showtime. Ngayon wah na. Mas gusto pa raw niyang panoorin ang T3 sa TV5 ng Tulfo Brothers.


-0-

Bakit daw hanggang ngayon ay guard to guard pa ang ginagawa ni Divine sa kanyang anak na si Sarah ay matanda na rin ang singer/actress. Baka matuluyan na itong maging old maid.


Ano raw ang inaayawan nito kay Matteo? Guwapo naman ito kung natatakot siya na mawalan siya ng datung kung mag-aasawa ang anak niyang hindi na bata ay nagkakamali siya. Mapera rin ang mga parents ng binata. Ciao Bambino! MEMORABILIA/Matuk Astorga


.. Continue: Remate.ph (source)



Ang lakas manglait, chaka naman!


No comments:

Post a Comment