Wednesday, August 27, 2014

Sec. Roxas napikon kay Rep. Tinio sa budget hearing

HINDI itinago ni DILG Secretary Mar Roxas ang kanyang pagkapikon kay ACT Partylist Rep. Antonio Tinio sa budget hearing para sa alokasyon ng DILG sa 2015.


Halatang nairita ang kalihim sa pagtatanong ni Tinio ukol sa pagtaas ng P5-bilyon sa MOOE ng DILG kasama ang mga proyekto para sa Local Government Unit.


Inungkat ni Tinio kung ano ang ibang proyekto para sa mga lokal na pamahalaan na nakasaad sa DILG budget na sinagot naman ni Roxas habang pilit pinakakalma ang sarili.


Hindi napigilan ni Roxas na pagsabihan si Tinio na huwag lagyan ng malisya ang wala namang malisya at sarkastiko nitong sinabi na kung gusto ng kongresista ay siya na ang magtakda kung aling mga lugar ang dapat na bigyan ng alokasyon at kung anong mga proyekto ang dapat na ibigay sa mga ito.


Maaari din naman umano na kung gusto ni Tinio ay tapyasin ang pondo na gusto nitong alisin sa DILG.


Sinabi pa ni Roxas na maging ang mahigit P3-bilyong alokasyon para sa mga proyekto ng LGU ay walang politika matagal nang pinagdududahan ng mga kritiko ng administrasyon.


Ang GPP ay may pondong P3.360-bilyon sa ilalim ng DILG budget kung saan ang bawat munisipalidad ay pwedeng magmungkahi ng proyekto sa halagang P15-milyon habang P50-milyon para sa bawat lungsod.


Nilinaw ni Roxas na lahat ng lugar ay mayroong proyekto sa ilalim ng GPP kaalyado man o hindi ng administrasyon.


Pinabulaanan din ng kalihim na ito ay lump sum funds dahil obligado ang mga munisipalidad at lungsod na i-line item ang lahat ng mungkahing proyekto ng mga ito sa ilalim ng GPP.


Mungkahi naman ni Eastern Samar Rep. at House Appropriations committee Vice-Chairman Ben Evardone na kailangang maisumite ang detalye ng mga proyektong ito bago ang period of amendments sa budget para maisama ang detalye nito sa General Appropriations Act. Meliza Maluntag


.. Continue: Remate.ph (source)



Sec. Roxas napikon kay Rep. Tinio sa budget hearing


No comments:

Post a Comment