Sunday, August 24, 2014

Asahan ang mga biglaang ulan – PAGASA

PINAAALALAHANAN ng PAGASA ang publiko lalo na ang mga lalahok sa kilos-protesta sa Luneta at iba pang mga lugar na magdala ng payong bilang panangga sa malaking posibilidad ng pag-ulan ngayong araw.


Kabilang sa posibleng makararanas ng biglaang buhos ng ulan dahil sa thunderstorms ang Tarlac, Pampanga, Bulacan, Bataan, Rizal, Cavite, Laguna at Metro Manila.


Samantala, ang binabantayang low pressure area (LPA) ay inaasahan ding maghahatid ng ulan sa malaking bahagi ng Eastern Visayas.


Huli itong namataan sa layong 280 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.


Sa kabilang dako, magiging maulap din sa Mindanao, Visayas at maging sa Bicol Region. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Asahan ang mga biglaang ulan – PAGASA


No comments:

Post a Comment