INAALAM na ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga tanggapan sa Estados Unidos para mabatid ang kalagayan ng mga Pinoy OFWs matapos ang 6.0 magnitude na lindol.
Ayon kay DFA Spokesman Charles Jose, inatasan ang kanilang mga kasamahan na kontakin ang mga lider ng Filipino community upang malaman ang sitwasyon sa lugar lalo’t isa ang California sa mga bahagi ng Amerika na may malaking populasyon ng mga Pinoy.
Magugunitang daan-daang katao ang naitalang sugatan sa Northern California, habang marami ring bahay ang nasira.
Sa Napa pa lamang ay nasa 120 na ang naitalang nasaktan na karamihan ay dinala sa Queen of the Valley Hospital, batay na rin sa pahayag ng hospital president na si Walt Mickens.
Sa mga ito, anim ang kritikal matapos tamaan ng debris mula sa mga gumuhong gusali. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment