Tuesday, August 26, 2014

Masculados, may aalis, may bagong dating!

PINAKAMATAGAL nang all-male singing group ang Masculados sa bansa. Nasa 12 year ang grupo pero buhay na buhay pa rin sa mga happenings sa iba’t ibang lugar sa bansa. Recently, binigyan ng tribute sa Sunday All Stars ang kanilang mga hit songs, kabilang sa mga kinanta sa episode last August 3 ay ang Lagot Ka Isusumbong Kita, Sana Mama at Jumbo Hotdog.


Ang pagtatagumpay ng Masculados ay bunga ng masusing pagma-manage ng award-winning director na si Maryo J. delos Reyes. Laging may naiisip na bagong pakulo o ipakikita ang Masculados sa kanilang mga fans.


Breaking record ang ginawang music video ng grupo last year sa Cebu City kung saan kasama nila ang sikat na Dancing Inmates ng Cebu City. Ginawan ng video ang awiting Di Ko Mapigil ni direk Maryo J. Ngayong 2014, bagong music video ang tampok na napanonood na sa YouTube, ang Cam To Cam.


Sa tagal ng Masculados, may aalis na member, si Lexter Lazaro. Gustong tahakin ni Lexter ang bagong career sa kanyang buhay..ang pagiging character actor at supervisor sa isang five star hotel.


Bago pa umalis si Lexter, may dumating nang bago, si David Karell, 22, tubong Cebu City.


Matinee idol look si David. May Austrian at Pinoy blood siya kaya kita ang mestiso look ng bagong Masculados.


=0=

GLAIZA DE CASTRO, PINARANGALAN NG VALENZUELA


SUNUD-SUNOD ang biyayang tinatanggap ni Glaiza de Castro ngayong 2014. Bukod sa super hit ngayon ang kanyang afternoon soap na Dading dahil sa never pang natatalo ng kalabang soap, nakatanggap pa si Glaiza nang parangal mula sa pamunuan ng siyudad ng Valenzuela.


Ginawaran ang aktres bilang natatanging mamayan ng Valenzuela na nakapag-ambag nang karangalan sa siyudad dahil sa pagiging alagad ng sining at pag-arte.


Ang talent ni Glaiza sa pag-arte ay kilala sa sunud-sunod na soap opera na siya’y bida.


Kabilang dito ang Grazilda, Temptation of Wife, Stairway to Heaven, at ngayo’y sa hit na Dading.


Nakatulong din si Glaiza sa mamayan ng Valenzuela nang magbigay siya ng workshop last summer sa acting at singing. Bukod sa pagiging magaling na aktres, maging bida at kontrabida, ‘di rin mapasusubalian ang kagalingan niya sa pagkanta.


May hinahanda si Glaizang bagong album na siya ang nag-produce at composer rin ng kanyang awitin. Abangan ang album ni Glaiza na ire-release ng GMA Records. ON THE SET/Noel Asinas


.. Continue: Remate.ph (source)



Masculados, may aalis, may bagong dating!


No comments:

Post a Comment