NIYANIG ng 6.6 magnitude na lindol ang bahagi ng Valparaiso, Chile kahapon, batay sa report ng U.S. Geological Survey.
Wala naman umanong naiulat na nasugatan o nagkaroon ng seryosong damage bunsod sa napakalakas na lindol na naganap bandang 7:32 p.m.
Dahil sa nasabing lindol, nawalan ng kuryente at telephone services sa ilang bahagi ng lugar.
Ang lindol ay nakasentro sa 18 kilometers (11 miles) West-Northwest sa may barangay Hacienda La Calera, na may layong 118 kilometers mula sa capital ng Santiago na may lalim na 32 kilometers. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment