GAYA ng nakasaad sa batas, ang mga opisyal ng pamahalaan ay obligadong maghain ng kanilang statement of assets, liability and networth (SALN) taun-taon.
At isa sa biglang lumaki ang yaman batay sa SALN ng 2013 ay si Bulacan Rep. Joselito “Jonjon” Mendoza mula sa networth na P850,000 noong 2012 kung saan nasa pang-pito siya sa pinakamahirap na kongresista ay naging P26,672,080 ito ngayong 2013 SALN.
Napabilang naman sa unang 10 pinakamayamang kongresista ngayong 2013 ang first-termer na si Maguindanao Rep. Zajid “Dong” Mangudadatu na may networth na P215,849,950.
Subalit hindi naman nagbago ang networth ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus batay sa isinumite nitong SALN dahil noong 2012 ay nasa P1, 240, 000 at ganito rin ang networth nito ngayong 2013 o makalipas ang isang taon, P1,240,000.
Sa pinakamahirap na kongresista ay nananatiling hawak ito ng Anakpawis Partylist dahil noong 2012 ay si dating Congressman Rafael Mariano ang nakapagtala nito sa networth na 92,507.15 gayundin ngayong 2013 ay si Rep. Fernando Hicap na may networth na P37,722.39.
Naging consistent din sa kanyang SALN ang abogadong si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na pang-12 sa pinakamahirap noong 2012 at gayundin nitong 2013.
Si Colmenares na isang abogado ay may networth noong 2012 na P1.646 milyon at nitong 2013 ay umabot na sa P2,251,574.92 ang kanyang networth.
The post SALN ng mga kongresista biglang lobo appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment