NGAYON pa lang ay excited na ang Malakanyang sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas sa Enero 2015.
Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, kaabang-abang ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa lalo pa’t mayorya ng populasyon ay mga Katoliko.
Isang oportunidad aniya ito sa Pilipinas na i-welcome ang kanyang kabunyian ni Pope Francis.
“It is always a time of joy whenever the Pope comes to the Philippines. When Pope John Paul II came over, there was exuberance, and this is a moment of joy. It would be a joyous occasion, not only for Filipino Catholics, but also for the entire Philippines,” ayon kay Sec. Lacierda.
Nauna nang napaulat na bibisitahin ni Pope Francis ang bansa sa Enero ng susunod na taon.
Ang mga opisyal ng Catholic Church ang nag-imbita kay Pope Francis na bumisita sa bansa lalo na sa lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Ang Pilipinas ay ang natatanging Catholic country sa Asia, na may 80.9 percent ng populasyon na Roman Catholic.
Ang huling Papal visit ay nangyari noong 1995, kung saan dumating sa bansa si Pope John Paul II para makiisa sa pagdiriwang ng World Youth Day.
The post Pinas excited na sa pagbisita ni Pope Francis appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment