Friday, May 2, 2014

Masaker sa Albay: 2 todas, 2 kritikal

KAPWA dead-on-the-spot ang mag-ama habang dalawa pa ang kritikal sa naganap na masaker sa isang pamilya sa Barangay Togbon, Oas, Albay.


Namatay ang mga biktima na sina Pavian Rectin, Sr. at anak nitong si Pavian Rectin Jr. matapos pagtatagain.


Kritikal naman ngayon sa ospital ang mag-ina nitong sina Virgenia at Jobert na nagawa pang makatakas sa kabila ng matinding tama sa katawan.


Nabatid na sumugod sa bahay ng mga biktima ang mga suspek na pamangkin ng mga biktima na sina Sadik at Sajid Roaring at Betran at Rolex Rellama na mula sa parehong bayan.


Ayon kay Oas Municipal Police Station Investigator SPO2 Harold Reolo, hindi na makilala pa ang mga biktima dahil sa matinding tama mula sa pananaga.


Nakuha sa pinangyarihan ang dalawang improvised shotgun at itak na ginamit ng mga suspek.


Patuloy pa ang pagtugis ng awtoridad sa mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.


Sa inisyal na imbestigasyon, matagal na alitan sa pamilya at away sa lupa ang tinitingnang motibo sa krimen.


The post Masaker sa Albay: 2 todas, 2 kritikal appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Masaker sa Albay: 2 todas, 2 kritikal


No comments:

Post a Comment