Friday, May 2, 2014

Bata nalunod sa ilog, patay

PATAY ang 4-na-taong-gulang na lalaki makaraang malunod sa ilog habang naglalaro sa Brgy. Laguinbanua, Ibajay, Aklan.


Kinilala ang biktimang si James Philip Ayong, residente ng naturang lugar.


Sa ulat ng pulisya, nakita na lamang ang bata ng kanyang tiyuhin na palutang-palutang sa ilog.


Naisugod pa sa Aklan Provincial Hospital ang biktima ngunit makalipas ang ilang oras ay binawian din ito ng buhay.


Nabatid na sumama ang biktima sa kanyang ama at tiyuhin para mangisda at iniwan ito sa tabing-ilog para maglaro.


Hinala ng pulisya, nadulas ang bata sa batuhan at tuluyang nalunod.


The post Bata nalunod sa ilog, patay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bata nalunod sa ilog, patay


No comments:

Post a Comment