DAHIL sa pagnakaw ng milyones na pera mula sa kaban ng Bulacan kaya nabangkarote ang lalawigan at nawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa liderato ni Gov. Wilhelmino “Willy” Alvarado!
‘Yan, parekoy, ang buod ng petisyong nilagdaan ng halos kalahating milyong botante ng Bulacan na humihiling sa Comelec para magsagawa ng isang “recall election.”
Isa sa basehan ng mga sumusulong ng “recall election” ay ang kasong pandarambong na isinampa laban kay Gov. Alvarado ng isang “rebel returnee” na si Antonio “Ka Tony” Manganti.
Ginawang batayan naman ni Ka Tony ang mismong 2012 COA audit report na nagpapatunay ng hindi mai-liquidate na P200.25 milyong piso mula sa intelligence fund, P60.5 milyon na unrecorded collections at P87.97 milyong piso na sobrang ipinamudmod sa mga hindi accredited NGO/PO. Naku ha, may Napoles rin ba sa Bulacan? Ehek!
Sa susunod ay uuriratin naman natin ang iba pang maanomalya umanong transaksyon ng lalawigan na naging sanhi kaya nabangkarote ang Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Alvarado.
Delayed ang pasahod sa mga kawani, naputulan ng kuryente at tubig ang Kapitolyo, walang tinta ang mga computer at ang mga utility worker na mismo ang bumibili ng mga sabon at iba pang panlinis sa Provincial Capitol!
King-ina, kung ganyan na nga, parekoy, kabangkarote ang Bulacan dahil sa pangungulimbat, aba’y tama lang na harangin talaga ni Gov. Alvarado ang napipintong “recall election.”
Dahil ‘pag matuloy ‘yan, tiyak na sa kangkungan pupulutin ang mga kampon ni Satanas!
Palayasin ang mga magnanakaw! Grrrr!
-o0o-
SADAYANG may kalokohan itong gambling lord ng Rizal na si Bong Sola. Masuwerte na nga ang lintek dahil hindi pa kinakapa ng bagong upo na PNP Provincial Director ang kanyang iligal na sugal na jueteng at lotteng, aba’y sukat ba namang ipangalandakan ng loko na mismong si S/Supt. Bernabe Balba umano ang nagbigay ng “go signal” sa kanyang operasyon!
Opo, Col. Balba, bitbit ng lintek na gambling lord ang iyong ngalan, gaya rin ng kanyang ginawa noon kay Col. Anduyan. Akala siguro ng hinayupak, komo regular ang kanyang “parating” sa COPS ay lisensya na ito para bitbitin niya ang iyong ngalan.
Ipabitbit mo na, parekoy, itong si Bong Sola para matauhan ang loko! Hmp! Pakisabay na rin, Kernel, ang mga pergalan nina Delma, Toyang, Arnold pilay at Bobby na nasa Montalban, Binangonan at Ibasan. Lalo na ang pergalan ni Arnold sa gate 2, Cogeo at Pagrai, Antipolo, palengke!
The post GOV. ALVARADO SIBAKIN AT COL. BALBA BITBIT NI SOLA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment