HAYAN, nagkaalaman na. Hindi kailanman tayo tutulungan ng Amerika sa sandaling guluhin tayo nang lubusan ng China.
“No containment, no commitment.” Ito ang malutong pa sa tsitsaron na sinabi ni US President Barack Obama sa mukha ni Pangulong Benigno Aquino III. Hirit pa kayo?
Noon pa ay sinabi ko na sa inyo sa MalacaƱang na hindi kailanman tayo tutulungan ng Amerika sa lahat ng bagay na kailangan natin. Noon pa man ay wala tayong pakinabang sa pakikipagrelasyon sa kanila.
Hanggang pambobola lang ang mga pahayag nila na sa huli, nakukuha nila ang gusto nila sa ating bansa. Hindi nila tayo tinulungan noong sakop tayo ng Kastila. Binili nila tayo at maski mga lider natin noon sa pangunguna ni Emilio Aguinaldo. Hindi ba muntik na silang magpatayan sa Hong Kong dahil sa maling hatian ng P2 milyon na ibinayad ng mga Kano?
Magulang ang imperyalistang Kano noon pa. May base militar man sila sa Amerika, mas ikinalat nila ito sa iba’t ibang lugar sa mundo, kasama ang mga armas nukleyar nila. Iyan ay para matiyak na mapalaban man sila, katulad noong winasak sila ng Japan noong World War 2 (WW2), ang Hawaii na kolonya nila at ang Pilipinas ang pinagbuntunan ng bombang Hapon dahil sa naglalakihan nilang base militar!
Ang Pilipinas noon ang pinakamalaking base ng Amerika. Dito nakalagak ang matitinding pamatay armas nila na ginamit sa Vietnam, Cambodia at Iraq noon. Dapat alam mo ito Noynoy!
‘Yang pinirmahan ninyo na Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay basura. Alam ba ninyo ang sukat ng inyong kataksilang bayan sa EDCA na iyan? Sila ang nakinabang, hindi ang Pilipinas at mga Filipino. Puro pabor sa kanila ang sinasabi ninyong tutulungan tayo ng Amerika. Mga bobo!
Nagdrama ka pa, Noynoy, na nagsabing wala man lang tayong fighter jets. Sinagot ba iyan ni Obama?
Puro lihis ang kanyang sinabi at walang tiyak na pagtulong. Ni armas nga na dala at gamit nila tuwing mayroon tayong Balikatan exercises, hanggang hawak kamay lang hanggang halos mamatay sa inggit ang mga sundalo natin. Ayos na ba sa inyo iyan?
Sa kabuuan ng pagbisita ni Barack Obama sa bansa, wala tayong napala kahit katiting na katiyakan na tayo ay kanilang tutulungan sa oras ng totoong kagipitan.
Kaya resulta ng pagbisita, NOYNOY, NGANGA KA LANG KAY OBAMA!
The post ANO NOYNOY, NGANGA KA LANG KAY OBAMA! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment