Saturday, January 31, 2015

Sa screening palang, tigok na agad-agad!

BALIK-PINAS na si Mark Bautista matapos ang pitong-buwang pananatili sa London dahil sa kanyang pagganap sa stage musical na “Here Lies Love.” Mula sa panayam kay Mark sa programang startalk, over GMA 7 mula nang bumalik sa bansa, pina-describe ng host na si Heart Evangelista ang naging karanasan niya sa paninirahan sa London.


“Heart ang sarap,” bungad ni Mark. “Kung may choice lang ako na mag-stay pa run, mag-i-stay pa ako at mag-e-explore pa ako ng maraming bagay run.”


Dagdag pa niya, mas natuto rin siyang maging independent sa London dahil mag-isa niyang ginagawa ang mga gawain sa bahay tulad ng pagluluto, maglaba at mag-save ng pera.


Nang tanungin naman siya ni Ricky Lo kung may nagpatibok ng kanyang puso habang nasa London, sinabi ni Mark na mayroon mga nagpakita ng appreciation na ginawa raw niyang inspirasyon.


“Kinukuha ko ‘yon parang inspirasyon na rin, ‘yung mga taong nami-meet ko, maganda ‘yung sinasabi sa show at sa akin, ina-appreciate ‘yung performance ko, kung sino ako,” paliwanag niya.


Samantala, isa si Mark sa kakanta sa kasal nila Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero. Siya ang pinili ni Heart na kakanta habang siya ay naglalakad papuntang altar, siya raw ang first choice ni Heart dahil favorite singer niya si Mark at super bait.


‘Yun nah!


***


Kamakailan lang kinasal na si Saab Magalona kay Jim Bacarro na ginanap sa Baguio City. Si Maxene ang tumayong maid of honor sa nasabing kasal ng kanyang kapatid na naunahan pa siyang magpakasal.


Nandun din sa nasabing wedding ceremony ang ex-boyfriend ni Maxene na si Chino Copuyoc na ayon kay Maxene ang kapatid niyang si Saab at Jim ang nagpakilala sa kanya noon kaya niya naging boyfriend si Chino. Ganun pa man, friends naman daw sila ni Chino at nag greet pa raw sila sa isa’t isa during the wedding. Sa ngayon may girlfriend na raw si Chino at si Maxene naman daw ay nanatiling single dahil mas masaya raw kung wala kang boyfirend dahil naka-focus ka sa career mo at tanging boyfriend daw niya ay ang career niya.


Samantala, busy si Maxene sa seryeng DREAM DAD ng Kapamilya network, ABS-CBN.


***


Naloka ang lahat sa pagiging unfair ng BPCI (Binibining Pilipinas Chariies Inc. ) kay Ali Forbes, dahil hindi nakasama sa official candidates ng Binibining Pilipinas 2015.


Bakeettt? Ano nangyareee???. Tila na-politika ang kagandahan ni Ali sa BB.


Nakakalokah lang ang BPCI dahil sa pagliligwak nila kay Ali sa screening pa lang huh?


Remind ko lang po sa inyo, Ali won Ist runner-up ng BB last 2012. Then 2013, she won 3rd runner-up for Miss Grand International held in Bangkok!.So, ano ang problema ng BB? Dami namang “repeaters” sa inyo na tinanggap nyo kahit ang pambato natin ngayon sa Miss Universe na si Mj Lastimosa, repeater sa pangatlong pagkakataon! Hay!


Masyadong sobrang foul naman ang ginawa nyo kay Ali. Well, Ano pa ba ang bago sa sistema nyo? Noon pa naman gawain nyo na ang politicking ng mga candidates with personal attack pa. Hahahaha! ‘Yun nah! SABEEEEE!/THROY J. CATAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Sa screening palang, tigok na agad-agad!


One week na hindi naliligo ‘pag may problema sa papa

BAKIT naman hindi naliligo ng isang linggo ang tisay na aktres na ito na ang namesung ay Angelica Panganiban.


Sa tuwing nagkakaroon daw kasi ng problema o nai-stress ang aktres ay parang naka-uugalian na niyang hindi naliligo?


Ang latest, grabe ang ginawang pagpaparinig ni Angelica kay Papa John Lloyd na sana’y mag-propose na rin ito sa kanya dahil handang-handa na raw ang hitad para sagutin at pakasal kay Papa John Lloyd.


Ang kaso mo dedma lang si Papa John Lloyd sa mga parinig ni Angelica ukol sa sana’y pakasalan na siya ng gwapong actor.


Hindi kaya hindi si Angelica ang tipo ng babae na gustong pakasalan ni John Lloyd?


Kung sa bagay, maganda at mestisa naman si Angelica, hindi nakapagtataka na dedmahin ni John Lloyd ang gustong mangyari nitong mag-propose na ang aktor dahil ‘di ba’t nung naging syota rin niya si Shaina Magdayao na ubod ng ganda pero never ding inalok kuno ng kasal ng masyado yatang mapiling binata.


Baka naman iba ang type ni John Lloyd at hindi mga babae gaya nina Shaina at Angelica ang trip ng actor na pakasalan?


Di ba may tsismis noon na may pagka-baklush si John Lloyd? Hahahaha. (Waley, teh! He’s a big hunk of a man! – Ed)


Ilan na nga ba kasi ang kanyang naging syota?


Sina Liz Uy na fashion icon, si Ruffa Gutierrez na may dalawang anak, si Bea Alonzo? Ang pinakahuli nga itong si Shaina Magdayao at Angelica Panganiban.


Pero still single pa rin si Papa Lloydie kahit na going to 30’s na ang kanyang edad.


This time kaya nakapag move-on na si Angelica Panganiban?


Sana nakapaligo na rin ang hitad bago mangamoy ang kanyang kipay.


***


Excited na naman ang mga hitad sa White Bird Entertainment Bar para sa kanilang nalalapit na event na “Mr. Hearthrob 2015” ngayong February 11.


Kuning-kuning na mahihirapan daw ang kanilang mga judges dahil sandamakmak talaga ang mga papabol ngayon na rarampa para sa kanilang Valentines Presentation ngayong February 11.


Ayon pa kay Mama Gellie (na may cel#09215571113) tampok din sa Big Event na ito sa White Bird ang palakihan ng nota at pahabaan. (Ganuned teh? Hahahahahahahaha! – Ed)


Sus! kasama kaya sa susukat ng mga nota sa nasabing White Bird Event ang actress/singer na madalas dumalaw ngayon sa nasambit na bar (White Bird).


Nagpa-reserve na daw kasi ng kanyang table ang naturang actress-singer na ito.


Matutunghayan din ang kapaan sa dilim at area ng mga hubad na lalaki ngayong February 11, WATCH OUT.


***


Galit na galit pala itong si Robin Padilla nang malaman nito na nakipagbalikan ang kanyang junakis na si Kylie Padilla sa rati nitong boyfriend na si Aljur Abrenica.


Tutol talaga si pareng Binoy na makarelasyon ni Kylie itong si Aljur, Bakit kaya?


Pero si Kylie dedma lang sa mga naging reaksyon ng kanyang Daddy Robin. Basta huwag lang daw maging bayolente ang action star at humantong sa bugbugan ang pagwawala nito dahil nga sa ayaw niyang maging jowa ni Kylie si pareng Aljur.


Bakit kaya binalikan ni Aljur si Kylie? Sigurado ba talaga si Kylie na mahal siya ni Aljur at bakit pumayag itong makipagkasundo ulit?


Bakit, wala na bang ibang lalaki na nanligaw kay Kylie? Marami namang gwapo sa GMA7 ah? At imposible sa ganda ni Kylie na isa man sa mga ito ay walang nanligaw sa anak ng action-star na si Robin Padilla.


Baka naman takot silang ligawan si Kylie at baka mabugbog lang sila ni Robin P. kung sa bandang huli ay paiiyakin lang pala nila ito.


Pero mukhang seryoso naman si Aljur sa sinasabing panliligaw niya kay Kylie kaya dapat sigurong magtiwala lang si Binoy rito.


Sobrang malaki kasi ang tiwala niya kay Aljur kaya noong makipagbalikan ito sa kanya ay kaagad naman nitong tinanggap. BONGGA! ME NAMAN/DANNY BATUIGAS


.. Continue: Remate.ph (source)



One week na hindi naliligo ‘pag may problema sa papa


Sobrang nasaktan dahil hindi ni-renew ng network!

BUONG ningning na inamin ni Empress Shuck na naging mag-MU sila ni Joseph Marco. Napilitang sagutin ni Empress dahil sa pangungulit sa kanya kung may naiwanan ba siya sa Kapamilya network.


Hindi raw nauwi sa seryosohan dahil may kanya-kanya silang priority.


Anyway, balik-Kapuso si Empress at unang proyekto niya ang bagong serye na Kailan Ba Tama Ang Mali? kasama sina Geoff Eigenmann, Max Collins at Dion Ignacio na magsisimula sa Feb. 9.


Last year ay hindi na siya ni-renew ng ABS-CBN at wala na ring binibigay na proyekto sa kanya.


“Magda-dalawang taon na akong walang show, so ayun, si Tita Becky (Aguila manager niya), sabi niya, why not daw na subukan dito, so ayun. Lumipat ako last December and nag-taping na ako agad.


“Nagpaalam kami nang maayos (sa ABS-CBN), tinanong namin kung okay sa kanila, at sabi nila okay lang daw, so siguro, ‘yun na talaga ‘yung sign. Sila na mismo ‘yung nagsabi na okay lang. Eh di okay po. Mas maganda na may approval talaga nila,” bulalas ni Empress.


Aminado siyang sobrang nasaktan siya sa hindi pagre-renew sa kanya at hindi pagbibigay ng project pero siyempre, wala naman daw siyang magagawa kundi tanggapin at mag-move-on.


Nang sabihin daw sa kanya ng manager na may offer ang GMA-7 ay parang nabuhayan siya ng loob at mas lalo siyang natuwa nang bigyan siya ng ganito kalaking proyekto.


Sa Kailan Ba Tama ang Mali ay tomodo na si Empress. First time niyang magkaroon ng bed scenes at intense kissing scenes na hindi raw niya ginawa sa ABS-CBN.


“Dati kasi, hindi talaga ako pumapayag sa ganu’n kasi bata pa talaga ako. Eh, ngayon, magtu-22 na ako, so I think naman, it’s about time,” sambit pa niya.


-0o0-


Inamin ni Jake Vargas na nabawasan sila sa Master Showman dahil sa pagkakasakit ni Kuya Germs. 40 na lang daw sila ngayon sa show. The show must go on pa rin kahit ganoon ang nangyayari habang nagpapalakas si Kuya Germs.


“Siyempre, nakakaawa, eh ‘yung iba ang gusto lang naman exposure sa TV, gusto nilang sumikat kaya ako kapag nandoon ako sa Walang Tulugan, hinahayaan ko lang sila para magkaroon ng exposure kahit papaano…eh, ako matagal na rin naman ako sa Walang Tulugan, sambit niya nang makatsikahan siya sa presscon ng pelikula nila ni Bea Binene na Liwanag Sa Dilim under APT Entertainment.


Napansin din ng press na tila may kiss mark sa leeg si Jake samantalang napababalitang split naman sila ni Bea.


“Hindi kiss mark ‘yan, na-allergy ako. Bawal kasi sa akin ang malalansa,” paglilinaw niya na kung saan ay nakita naman namin ang marka paakyat hanggang tenga pero pagaling na.


Paano na ang tattoo ni Jake Vargas na nakalagay ang pangalan ni Bea kung split na sila? Ang laki pa naman nu’n? Paano mabubura? Pero sabi nga nila, inaayos nila ang pinagdadaanan nila.


“Maaayos din naman po. Bandang huli ay maayos rin ‘yan,” deklara ni Jake.


Ano ba ang madalas nilang pag-awayan ni Bea?


“Mababaw lang naman..kasi kami parehong mataas ang pride kaya konting ganoon lang, parang ang laki-laki na sa amin,” aniya.


Sino ang gumagawa ng first move para magkabati sila?


“Siyempre, lalaki naman lagi ang nauuna,” aniya.


Matagal ding nakasagot si Jake kung ‘yung sinasabi nila ni Bea na ‘okey kami’ ay nag-uusap sila, may communication sila.


“Nakaka-text ko siya,” simpleng sagot niya na kung saan ay magta-tatlong taon na rin ang relasyon nila.


Anyway, showing na sa February 11 ang Liwanag Sa Dilim na kung saan ay kasama sina Igi Boy Flores, Rico Blanco,Sunshine Cruz, Dante Rivero, Freddie Webb, Julian Trono at Sarah Lahbati. Ito’y sa direksyon ni Richard Somes.


-0o0-


Hindi mapasusubalian na marami ang nakaka-miss kay Willie Revillame na mapanood sa telebisyon.


Akala ng mga fans ay babalik na ang TV host nu’ng birthday niya sa TV pero under negotiation pa rin daw at hindi pa done deal.


Ang malinaw lang, masaya niyang ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa roof top ng Wil Tower Mall nu’ng January 27.


Isa rin sa unang bumati sa kanyang kaarawan ay si Meryll Soriano sa kanyang Instagram Account kaya mali ang tsika na may hindi pagkakaunawaan ang mag-ama.


Kung nagpapahinga man ngayon siya ay maihahalintulad lang sa letter W ang career niya. Nagsimula sa itaas, bababa, tataas, bababa at ang ending ay babalik pa rin sa itaas.


Hangad pa rin daw niya ang UP pero hindi lang pang-personal kundi para makatulong sa mga mahihirap na kababayan.


Hindi kaya may balak din si Willie na pasukin ang politics?


Pero ang tumatak sa utak niya ay ang sinabi ni Pope Francis na mamuhay ng simple ay isipin ang mga mahihirap. Hindi siya madamot na tao kaya marami siyang gustong gawin sa less fortunate nating kababayan.


Sinasabi rin niya na ang mga materyal na bagay ay hindi naman nadadala sa hukay. Kung nabulag man dati sa mga magagarang sasakyan dumarating din ‘yung panahon na hindi na niya kailangan ‘yun. May mga tao naman na simpleng namumuhay pero masaya sa buhay sa maliliit na bagay.


Wish niya ngayon ay mapasaya at makagawa ng kabutihan sa mga kababayan natin ngayon.


Bongga! XPOSED/ROLDAN CASTRO


.. Continue: Remate.ph (source)



Sobrang nasaktan dahil hindi ni-renew ng network!


A more sensible Martin after 33 years

IT was a subdued Martin Nievera who faced the press at the Luxent Hotel the other day in connection with his concert with Asia’s songbird Regine Velasquez, Gary Valenciano and Lani Misalucha.


Inasmuch as he’s still voluble and articulate beyond words and super eloquent as well, somehow you could sense that he has somewhat changed.


Indeed, he is now a changed man in the sense that he is not as wacky and zany as before but voluble nonetheless. Apart from that, he has learned not to expect too much out of any show or concert that he’s slated to do. “Good things come to those who wait,” he rationalizes.


According to the concert king who loves to cook in between his shows and concerts, he’s fortunate enough to have a good agent in the States in the person of the indefatigable Coleen Castro who happens to be a class act as Martin aptly puts it.


Anyway, the month of February appears to be a busy month inasfar as Martin is concerned.


February 5 and 6, he’ll be at the Cebu Convention Center and on the 13th and on the 14th, at the Mall of Asia Arena in Pasay city.


On top of that, he has ASAP to attend to on a Sunday afternoon, along with some corporate shows on the side. “I have to keep moving,” he gushingly states. “We need to prepare for ASAP’s 20th year anniversary.


And speaking about Pops Fernandez, he says that their relationship now is more ideal than before.


“There’s so much love between us,” he asseverates. “The kind of love I would wish for anyone.”


Kay Martin pa rin, he was able to share a secret that a lot of the press people present find inordiately amusing. Through the years, he’s been able to study and master his buddy’s (Gary V.) signature. Hahahahahahahahaha!


In one of their shows together, the fans had a pleasant surprise when he autographed their picture together when Gary had already left.


Six hours na raw kasi ang autograph session, Gary had to leave for he still had another commitment.


‘Yong kanyang autograph daw nakalagay love, Martin lang. “In Gary’s case,”” he tells the amused press people milling around him,” may God bless pa!”


Oo nga naman. Hahahahahahahahahaha!


Anyway, this year, in the tradition of giving OPM fans the best in concert entertainment, Starmedia and IME invite everyone to celebrate the much anticipated concert team up in the history of Philippine concerts – Ultimate.

Ultimate will feature Martin Nievera, Regine Velasquez, Lani Misalucha and Gary Valenciano.


DISAPPOINTED DAHIL HINDI KINUHANG TALENT


Sad pala ang isang chinky-eyed teenage actor dahil kahit nagpakita na siya ng interes na muling magtrabaho sa network na kanyang pinanggalingan ay parang hindi na sila interesadong i-avail pa ang kanyang services.


Anyhow, his adoring fans are wondering why he still had to leave the network that he had transferred into when good roles were coming his way.


Ang sabi, hindi raw kasi natupad ang kanyang dream na i-follow ang lofty footsteps ng kanyang idol na aktor. Well, pa’no naman, food trip galore siya kaya ang ending, lumobo siya at naging comedian ang dating unlike his idol na papang-papa pa ang arrive at an age when actors are already contemplating on moving on to another facet of their lives.


As of presstime, nasa poder na raw ng isang super maandang network ang chinky-eyed bagets.


Well, sana naman ay mabigyan siya ng magandang exposures roon para magkaroon naman siya ng peace of mind.


Ang tragedy pa ni kuya ay hindi siya naging singtangkad ng kanyang idol lalo na’t tabain ang kanyang beauty.


Tabain daw ang beauty, o! Hahahahahahahahahaha!


***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.


And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.


.. Continue: Remate.ph (source)



A more sensible Martin after 33 years


Liderato ng PNP, 2 ang namumuno

LITONG-LITO ngayon ang halos lahat ng mga police officials kung kanino sila susunod sa kautusan dahil napapansin nilang may dalawang chain of command ang Philippine National Police (PNP).


Si Deputy Director General Leonardo Espina ang itinalagang officer-in-charge (OIC), ngunit si Director General Alan Purisima naman na kahit suspendido ay may malaki pa rin na inpluwensya sa liderato ng kapulisan.


“We are now confused whom to follow because we now have two chiefs in the person of PNP chief Gen. Purisima and Gen. Espina,” pahayag ng isang ranking police officer na ayaw magpakilala at tumatayo lamang na tagapagsalita para sa kanyang mga kasamahan.


Ang tinutukoy ng naturang opisyal ay walang iba kundi si Chief Superintendent Getulio Napeñas, na sinibak sa posisyon kasunod ng brutal na pagpatay sa 44 niyang mga tauhan sa inilatag na isang high-level mission para mahuli ang dalawa sa pinaka-wanted ng terorista sa mundo.


Mahigit 400 SAF commandos ang pumasok sa isang barangay sa Mamasapano, Maguindanao noong madaling-araw ng Enero 25 para hulihin sina Malaysian bomber Zulkifli bin Hir, alyas Marwan, at ang kanyang kasabwat na Filipino na si Basit Usman.


Pinaasok ng SAF commandos ang isang malaking guerrilla force ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) bago sila minasaker ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).


Ang operasyon ay plinano at iniutos mismo ni SAF Napeñas pero may basbas ni Purisima na katulong ang ilang bilang ng retired military at police generals sa ilalim pa rin ng pamumuno ni Executive Secretary Pacquito Ochoa, Jr. bilang hepe ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).


“It would be difficult for us if we do not follow Purisima. We will be in a difficult situation if he comes back. It would also be difficult if we do not follow the orders of the PNP OIC and the Interior Secretary (Manuel Roxas II). What should we do?” litong pahayag ng police official said.


Para malutas aniya ang problema, ang dapat gawin ay ang lahat ng opisyal na nakaupo sa posisyon sa pamamagitan ng ‘in acting capacity’, na aniya’y karaniwang ginagawa sa PNP, ay maging permanent positions.


Sa kasalukuyan, sinusunod nila ang dalawang chain of commands. May ilang officers na sanggang-dikit kay Purisima, at ang iba naman ay kay Espina. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Liderato ng PNP, 2 ang namumuno


Tangkang pagpapakamatay, naudlot sa naputol na lubid

SOLSONA, ILOCOS NORTE – Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang empleyado ng isang kumpanya nang maputol ang tali na kanyang ginamit sa pagpapakamatay sa loob ng kanilang tanggapan sa Solsona, sa nasabing lalawigan kaninang umaga, February 1.


Kinilala ni Solsona police commander S/Insp. Leonardo Tolentino ang biktimang si Eric Tomas, 37, ng Bgy. Barcelona, ng nasabing bayan at empleyado ng isang farm supply.


Ayon sa pulisya, si Tomas ay magpapakamatay umano sa pamamagitan ng pagbibigti ngunit himalang naputol ang lubid na kanyang ginamit at bumagsak sa sahig.


Sa pangalawang pakakataon, uminom ng insecticide ang biktima ngunit naagapan ito dahil naitakbo siya agad sa town Rural Health Center ng Solsona.


Napag-alaman ang dahilan ng kanyang naudlot na pagpapakamatay ay problema sa collection sa kanilang opisina.


Sa ngayon ay nagpapagaling si Tomas sa kanilang bahay. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



Tangkang pagpapakamatay, naudlot sa naputol na lubid


13 factory workers, lagas sa Bangladesh fire

DHAKA, BANGLADESH – Lagas ang 13 katao habang mahigit sa 12 naman ang sugatan nang masunog anbg isang plastic factory sa Bangladesh capital.


Sinabi ni local police chief Mohammad Jashimuddin at emergency service officials, 13 katao ang natagpuan nilang patay sa loob ng factory habang tatlo naman ang kritikal na isinugod sa ospital.


Umabot din ng halos dalawang oras bago naapula ang apoy.


Naniniwala ang mga pulis at fire officers na nagsimula ang sunog sa sumabog na gas cylinders sa boiler room ng factory at agad na kumalat sa four-storey ng Nasim Plastic factory.


Samantala, ipinaalam ng fire official na ang mga nasawi ay mga plastic factory workers na nakulong sa itaas ng palapag. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



13 factory workers, lagas sa Bangladesh fire


74 dayuhan, nasakote sa iligal na pagtatrabaho sa bansa

NASAKOTE ng mga awtoridad ang 74 na dayuhan na iligal na nagtatrabaho sa bansa.


Kabilang sa mga inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ay Chinese, Korean, Taiwanese, Thai at Indonesian nationals na nagtatrabaho sa isang BPO company sa Makati City.


Lumalabas sa verification ng immigration na 58 sa mga dayuhang ito ay mayroong hawak lamang na tourist visa at pinalaya na rin ang 16 na iba matapos magpakita ng valid visa sa ilalim ng Cagayan Special Economic Zone Act. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



74 dayuhan, nasakote sa iligal na pagtatrabaho sa bansa


Japanese hostage na pinugutan ng ISIS, inaalam

INAALAM pa na ng pamahalaan ng Japan kung ang kanilang kababayan na si Kenji Goto ang laman ng video na inilabas ng grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).


Makikita sa footage ang pugot na ulo ng isang lalaki at katawan nito.


Si Goto, 47, isang freelance journalist at film-maker ay nagtungo ng Syria noong Oktubre 2014.


Ang video ay isinapubliko ng mga militante, halos isang linggo makaraang pugutan din ang isa pang Japanese hostage na si Haruna Yukawa.


Matatandaang nag-demand ang ISIS ng $200-million na ransom para sa dalawang bihag ngunit hindi ito sinang-ayunan ng Japanese government. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Japanese hostage na pinugutan ng ISIS, inaalam


Ilang bahagi ng Luzon at E. Visayas, uulanin sa Amihan

INAASAHANG magiging maulan ang ilang bahagi ng Luzon at E. Visayas dahil sa Amihan.


Dahil dito, iniulat ng PAGASA na asahan na ang maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan sa Aurora, Cagayan Valley, Cordillera, Bicol at Eastern Visayas ngayong Linggo.


Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa kung minsan ay maulap na papawirin na may pulo-pulo lamang na mahinang pag-ulan.


Samantalang ang nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Ilang bahagi ng Luzon at E. Visayas, uulanin sa Amihan


ARNIS TRAINING

PUSPUSAN ang paghahanda at pag-aaral ng Arnis De Mano ng mga Girls Scout na ito hindi lang para matuto ng naturang sports, kundi bilang paghahanda na rin sa nalalapit na Girls Scout Week sa darating na Pebrero 22 taong kasalukuyan. JAMES PARAGAS


.. Continue: Remate.ph (source)



ARNIS TRAINING


Dalagita nabuntis sa panggagahasa ng amain

DAHIL sa paglaki ng kanyang tiyan, hindi na naitago pa ng isang dalagita ang panggagahasa sa kanya ng amain sa Iloilo.


Ayon sa 16-anyos na biktima na ngayon ay apat na buwang buntis, ginahasa siya ng kanyang amain na hindi nakuha ang pangalan noong nakaraang Setyembre habang wala ang kanyang nanay sa kanilang bahay.


“Hindi na ako nagsumbong kay mama natakot ako na baka ako saktan niya” pahayag ng biktima.


Noong una aniya ay wala siyang pinagsabihan sa kanyang naging karanasan hanggang mahalata ng kanyang mga kamaganak na lumalaki ang kanyang tiyan nang minsan ay magbakasyon siya sa bahay ng kanyang tiyahin.


Tinanong siya ng kanyang tiyahin kung bakit malaki ang kanyang tiyan ngayon at nang tanungin ulit siya nito kung siya ay nagdadalantao, tumango ang dalagita.


“Tinanong ko pa kung ilang buwan na siya hindi dinatnan, sinagot niya ako na tatlo. Sabi ko sino yung Tatay at sinagot niya akong si Tito,” pahayag ng tiyahin ng biktima.


Lumabas sa imbestigasyon ng hiwalay na ang mga magulang ng biktima at nagpaksal ulit ito sa suspect na humalay naman sa dalagita.


Inihahanda na ang kaukulang reklamo laban sa suspek na ngayo’y nakakulong na sa Iloilo City police Office detention cell. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Dalagita nabuntis sa panggagahasa ng amain


Binata kalaboso sa panghahalay ng dalagita

KULONG ang isang binata matapos ireklamo ng panghahalay ng dalagita sa loob ng bahay ng una sa Caloocan City, Biyernes ng umaga, Enero 30.


Mahaharap sa kasong rape in relation to child abuse si Adrian Alan, 24, ng Del Mundo St., ng lungsod.


Sa reklamo ng biktimang edad 15, alas-8 ng umaga nang ayain siya ng suspek sa loob ng kanilang bahay upang kumain.


Dahil kilala ay pumayag ang biktima subalit pagsapit sa loob ay sapilitan hinalay ang una at dahil malakas ang suspek ay nagawa ang panghahalay.


Nang makauwi ay nagsumbong sa mga magulang ang biktima na naging dahilan upang samahan sa presinto at ipadakip ang suspek. RENE MANAHAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Binata kalaboso sa panghahalay ng dalagita


18 MILF, nalagas sa Mamasapano misencounter

INANUNSYO kaninang umaga (Enero 31) ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na umabot sa 18 ang nalagas sa kanilang hanay sa sinasabing misencounter sa Mamasapano, Maguindanao nitong nakaraang Enero 25.


Ito ang kinumpirma ni MILF chief peace negotiatior Mohagher Iqbal, sa isang joint press conference ng MILF at ng Philippine government sa Palace of the Golden Horses sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Sabado.


“The Bangsamoro people has also suffered a lot in the conflict in Mindanao as a result of several massacres in various parts of the Bangsamoro,” aniya bago ianunsyo ang bilang ng nasawi at sugatan sa kanilang hanay.


Kinilala ang mga nasawi na sina Mahmod Saga Monib, Salahudin Salindato, Esmail Abid, Abdorahim Abdila, Qur’an Reciter, Daglala Kamed, Ali Esmail, Musib Hasim, Omar Dagadas, Rasul Zukarnin, Mamarisa Omar Batrudin Langalen, Gibinun Angkay, Suweb Kemod, Nasrudin Saptulla, Salahudin Salindatu, Mahmod Salah, Kaharudin Baluno at Abdulrahim Abdullah.


Sugatan naman sa kanilang hanay ay sina Ali Surab, Zainudin Lampak, Salahudin Kunakon, Zumaidi Untong, Jomar Zailon, Abdulgani Ramos, Hamza Lampak, Joel Guiman, Abdulmaguid Pindi, Norhak Sekak, Saad Saya, Ketay Muhammad, Mustapa Pindi at Mahmod Lumbatan.


“It was a pure and simple misencounter. The operation was intended to BIFF which is coddling Marwan and Basit Usman,” dagdag pa ni Iqbal.


Nagpaabot din naman si Iqbal ng kanyang pakikiramay sa 44 miyembro ng Special Action Forces (SAF) na napatay sa naturang engkwentro. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



18 MILF, nalagas sa Mamasapano misencounter


Holdaper dakip sa ng biniktima

KALABOSO ang isang binata matapos madakip ng kuya ng biniktimang dalaga sa Caloocan City, Sabado ng umaga, Enero 31.


Nakilala ang suspek na si Marvin Calimbas, 33, ng Sta. Cecilia Capitol Parkland, Camarin ng lungsod.


Sa pahayag ng biktimang si Maria Majorie Magpayo, alas-11:30 ng umaga ay nakatayo siya sa tapat ng kanilang barber shop sa St. Isabel St., Capitol Parkland, Camarin ng lungsod nang lapitan at tutukan ng balisong ng suspek.


Kinuha ng suspek ang dalang pouchbag ng biktima na naglalaman ng P3,700 at mga kolorete sa mukha bago tumakas ang una.


Makalipas ang ilang sandali ay dumating ang kuya ng biktima na agad na sinabi ng dalaga ang pangyayari.


Agad na umalis ang kuya ng biktima na naka-motorsiklo at nilibot ang nasabing lugar hanggang sa makita ang biktima na naglalakad habang bitbit ang bag ng biktima dahilan upang harangin at kumprontahin.


Nagawang madakip ng kuya ng biktima ang suspek at nabawi ang bag ng dalaga habang dinala sa presinto ang suspek na nakuhanan ng balisong. RENE MANAHAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Holdaper dakip sa ng biniktima


2 piloto lagas sa airplane crash

NALAGAS sa isang malagim na trahedya ang dalawang piloto nang bumagsak ang eroplanong kanilang pinapalipad sa Batangas province kaninang umaga (Enero 31).


Hindi naman pinangalanan pa ang dalawang biktima dahil uunahin munang ipaalam sa kani-kanilang pamilya ang sinapit ng kanilang mahal sa buhay.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9 ng umaga sa karagatan na may 300 metro ang layo mula sa Bgy. Bucana, Nasugbu, Batangas.


Ayon kay Air Force spokesman Lt. Col. Ernesto Canaya, bago ang insidente ay nagsasagawa ng aircraft formation training mission ang tatlong two seater plane ng Philippine Air Force (PAF) bilang pagdiriwang ng 70th Liberation Day ng Nasugbu, Batangas.


Pero habang nasa gitna aniya ng palabas sa kalawakan, sa hindi pa malamang dahilan ay biglang bumulusok sa karagatan ang isa sa tatlong PAF plane na SF-260FH Nr 1034 na pinapalipad ng dalawang biktimang piloto.


Nagpadala naman agad ang awtoridad ng mga helicopters mula sa Villamor Air Base sa lugar ng pinagbagsakan ng eroplano pero kapwa wala ng buhay nang matagpuan ang dalawang piloto.


Umalis aniya ang naturang eroplano sa Fernando Air Base sa Lipa City dakong 9:07 a.m., para maglatag ng 3-aircraft formation training mission. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



2 piloto lagas sa airplane crash


3 opisyal ng Comelec, magreretiro na

MAGRERETIRO na bukas (Pebrero 2) ang tatlong opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na sina Chairman Sixto Brillantes, Jr. at Commissioners Elias Yusoph at Lucenito Tagle.


Kaugnay nito, nag-isyu na ng resolusyon ang Comelec en banc na nagtatalaga kay Commissioner Christian Robert S. Lim upang maging acting chairman ng Comelec, kapalit ni Brillantes.


Bukod sa siyang pinaka-senior commissioner na maiiwan sa puwesto, si Lim ay personal na pinili ni Brillantes na pansamantalang mangasiwa sa poll body hanggang sa panahong makapili na si Pangulong Aquino ng bagong Comelec chairman.


Ayon kay Brillantes, kumpiyansa siyang may sapat na kakayahan si Lim upang gampanan ang naturang tungkulin dahil taong 2011 pa nang magsimula itong maging opisyal ng poll body.


Bagama’t maaari naman aniyang mamili ang en banc kung sino ang magiging acting chairman, sa tradisyon ay dapat na ang pinaka-senior sa lahat ang gumampan sa naturang tungkulin.


Sa pagbibitiw nina Brillantes, Yusoph at Tagle ay sina Lim, at iba pang commissioners na sina Arthur Lim, Luie Guia at Al Parreno ang matitira sa pitong miyembro ng en banc.


Magsisimulang manungkulan sa puwesto si Lim sa Pebrero 3. MACS BORJA


.. Continue: Remate.ph (source)



3 opisyal ng Comelec, magreretiro na


Tampo ng slain SAF families, binura ni PNoy

NANINIWALA si Pangulong Noynoy Aquino na napawi na ang agam-agam at nabura ang anomang tampo kaugnay sa kanyang paghuhugas-kamay sa nangyaring Mamasapano massacre.

Ito’y matapos makausap ang lahat ng pamilya ng 44 na SAF members sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City hanggang kaninang madaling-araw.

Sinabi ni Communications Usec. Renato “Rey” Marfil, inabot ng 30-minuto ang pinakamatagal na nakausap ng Pangulong Aquino para lamang malinawan ang mga duda at pangamba matapos masawi ang mahal sa buhay na ‘breadwinner.’

Ayon kay Marfil, bawat pamilya ng napatay na SAF commando ay tatanggap ng mula P800,000 hanggang P1-million cash; permanenteng trabaho sa naiwang asawa o kapatid sa angkop na ahensya ng gobyerno; libreng edukasyon sa lahat ng anak mula kindergarten hanggang makatapos ng kolehiyo; livelihood program/package mula sa DTI; libreng bahay na ipapatayo ng National Housing Authority (NHA), maliban pa dito ang kaukulang benepisyo at assistance sa serbisyo.

Para naman matiyak na maibibigay ang lahat ng benefit packages, magpapadala si Interior Sec. Mar Roxas ng isang protocol officer sa bawat pamilya at aalis lamang kung naibigay na ang lahat ng naipangakong benepisyo.

Matapos daw ang usapan, magaan ang loob at napawi na ang agam-agam ng mga naulila at labis ang pasasalamat sa Pangulong Aquino. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)



Tampo ng slain SAF families, binura ni PNoy


3 opisyal ng Comelec, magreretiro na

MAGRERETIRO na ngayon (Pebrero 2) ang tatlong opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na sina Chairman Sixto Brillantes, Jr. at Commissioners Elias Yusoph at Lucenito Tagle.


Kaugnay nito, nag-isyu na ng resolusyon ang Comelec en banc na nagtatalaga kay Commissioner Christian Robert S. Lim upang maging acting chairman ng Comelec, kapalit ni Brillantes.


Bukod sa siyang pinaka-senior commissioner na maiiwan sa puwesto, si Lim ay personal na pinili ni Brillantes na pansamantalang mangasiwa sa poll body hanggang sa panahong makapili na si Pangulong Aquino ng bagong Comelec chairman.


Ayon kay Brillantes, kumpiyansa siyang may sapat na kakayahan si Lim upang gampanan ang naturang tungkulin dahil taong 2011 pa nang magsimula itong maging opisyal ng poll body.


Bagama’t maaari naman aniyang mamili ang en banc kung sino ang magiging acting chairman, sa tradisyon ay dapat na ang pinaka-senior sa lahat ang gumampan sa naturang tungkulin.


Sa pagbibitiw nina Brillantes, Yusoph at Tagle ay sina Lim, at iba pang commissioners na sina Arthur Lim, Luie Guia at Al Parreno ang matitira sa pitong miyembro ng en banc.


Magsisimulang manungkulan sa puwesto si Lim sa Pebrero 3. MACS BORJA


.. Continue: Remate.ph (source)



3 opisyal ng Comelec, magreretiro na


18 MILF, nalagas sa Mamasapano misencounter

INANUNSYO ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na umabot sa 18 ang nalagas sa kanilang hanay sa sinasabing misencounter sa Mamasapano, Maguindanao nitong nakaraang Enero 25.


Ito ang kinumpirma ni MILF chief peace negotiator Mohagher Iqbal, sa isang joint press conference ng MILF at ng Philippine government sa Palace of the Golden Horses sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Sabado.


“The Bangsamoro people has also suffered a lot in the conflict in Mindanao as a result of several massacres in various parts of the Bangsamoro,” aniya bago ianunsyo ang bilang ng nasawi at sugatan sa kanilang hanay.


Kinilala ang mga nasawi na sina Mahmod Saga Monib, Salahudin Salindato, Esmail Abid, Abdorahim Abdila, Qur’an Reciter, Daglala Kamed, Ali Esmail, Musib Hasim, Omar Dagadas, Rasul Zukarnin, Mamarisa Omar Batrudin Langalen, Gibinun Angkay, Suweb Kemod, Nasrudin Saptulla, Salahudin Salindatu, Mahmod Salah, Kaharudin Baluno at Abdulrahim Abdullah.


Sugatan naman sa kanilang hanay ay sina Ali Surab, Zainudin Lampak, Salahudin Kunakon, Zumaidi Untong, Jomar Zailon, Abdulgani Ramos, Hamza Lampak, Joel Guiman, Abdulmaguid Pindi, Norhak Sekak, Saad Saya, Ketay Muhammad, Mustapa Pindi at Mahmod Lumbatan.


“It was a pure and simple misencounter. The operation was intended to BIFF which is coddling Marwan and Basit Usman,” dagdag pa ni Iqbal.


Nagpaabot din naman si Iqbal ng kanyang pakikiramay sa 44 miyembro ng Special Action Forces (SAF) na napatay sa naturang engkwentro. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



18 MILF, nalagas sa Mamasapano misencounter


Voters registration tuloy na ulit

NAGPASYA ang Commission on Elections (Comelec) na huwag nang suspendihin ngayong Pebrero ang voter’s registration para sa 2016 presidential polls.


Ayon kay outgoing Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., binabawi na nila ang resolusyon na pansamantalang nagkakansela sa pagpapatala ng mga botante dahil sa posibilidad na hindi matuloy ang SK polls.


Paliwanag niya, halos sigurado na silang maipagpapaliban ang SK elections.


Nakatanggap na aniya sila ng impormasyon na papaburan at lalagdaan na ng pangulong Aquino ang panukalang batas hinggil dito.


Nauna rito, una nang nagpalabas ng Resolution 9905 ang Comelec en banc na nagsususpinde sa voter’s registration mula Pebrero 1 hanggang Pebrero 28 upang bigyang-daan ang pagdaraos ng Sangguniang Kabataan (SK) polls na nakatakda sana sa Pebrero 21.


Gayunman, ipinagpaliban ng Comelec ang pagsisimula ng election period para sa SK polls, gayundin ang gun ban, matapos na maipasa na sa mataas at mababang kapulungan ng Kongreso ang panukala hinggil sa postponement ng SK polls sa Oktubre 2016. MACS BORJA


.. Continue: Remate.ph (source)



Voters registration tuloy na ulit


Foreign coach sa Chess

ANG paglipat ni super grandmaster Wesley So sa U.S. federation ay malaking kawalan sa Pilipinas.


Maraming magagaling na Pinoy woodpushers sa Pilipinas at ilan sa mga foreign super GMs ang nagpatotoo nito.


Kaya naman pursigido ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na kumuha ng foreign Grandmaster coaches para makahanap ng panibagong So at maiangat hindi lamang sa ranking kundi pati sa tyansa na magwagi ang Pilipinas sa mga internasyonal na torneo sa buong mundo tulad ng Inter-Zonal at World Olympiad.


“Ang observation ng mga foreign GM’s sa atin ay very talented ang mga Pilipino pero ang defect ng players natin ay weakness sa opening. They want all our young players to learn the foundation of a good opening at kung matututo sa middle game ay malaki na ang tsansa na manalo,” ani Pichay.


Walang Chess event sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore ngayong taon kaya nagdesisyon ang NCFP na sanayin ang elite team sa pagkuha ng foreign coach at sanayin ang mas pinakamaraming coaches.


“We will continue to hold international tournament, expose our players against foreign rivals and probably earn GM norms for the kids. Our reasons kasi ay magkaroon sila ng tsansa na makasagupa ang mga foreign woodpushers.” Saad pa ni Pichay.


Pakay ni Pichay na lumawak ang kaaalaman ng mga batang chess players sa opening pa lang kaya ayon sa kanya ay malaking bagay kung may foreign coaches na magtuturo sa kanila.


Sinabi rin ni Pichay na maging ang mga Filipino coaches ay dapat matuto rin sa mga makukuhang foreign coach.


“We want them to learn strategy like the Chinese players, positional sila and then kapag nainis ka, saka sila aatake. We will be sending our elite athletes to Europe to matchup with high ranking players dahil sa ganoon natuto talaga ng mga moves si Wesley,” ayon pa kay Pichay.


“As a priority sports, gusto ko talaga na mag-champion ang Pilipinas sa international tournament. We want also to be kahit in the Top 20 sa Olympiad. It will be hard dahil wala na si Wes but we will not stop in reaching new heights,” dagdag pa nito.


Samantala, sinaad naman ni NCFP Executive Director GM Jayson Gonzales na matagal nang plano ng asosasyon ang pagkuha sa foreign coach para maturuan lalo ang lokal na coaches at mai-promote ang chess sa pinakamalawak na parte ng bansa.


“Matagal na nating plano iyan kaso kapos lagi sa funding. Now na isa kami sa priority sports, we can request para sa 6 months na paghire ng foreign coach para may transfer of technology and train the coaches then teach it in all of our grassroots program,” sabi ni Gonzales.


May kabuuang 50 eskwelahan at 140 kalahok ang sumali sa pang-una nitong torneo ngayong 2015, ang pagbubukas ng 2015 National Schools and Youth Championships na isinasagawa sa PSC Athletes Dining Hall. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



Foreign coach sa Chess


PNoy, 13 oras nakipaglamay

MANILA, Philippines – Inabot ng 13 oras ang ginugol ni Pangulong Aquino para makiramay sa mga pamilya ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) na nam .. Continue: Philstar.com (source)



PNoy, 13 oras nakipaglamay


Resbak ng terror group

MANILA, Philippines – Nagbabala si Davao City Rep. .. Continue: Philstar.com (source)



Resbak ng terror group


Senado bubuo ng Truth Commission

MANILA, Philippines – Malamig ang naging pagtanggap ng Palasyo sa panukala ng ilang senador na magbuo ng Truth Commission na mag-iimbestiga sa nangyaring pag .. Continue: Philstar.com (source)



Senado bubuo ng Truth Commission


Malacañang umapela sa banta ng kudeta

MANILA, Philippines – Matapos lumutang ang ulat na posibleng may maglunsad ng kudeta laban sa administrasyong Aquino, umapela kahapon ang Malacañang na dapat .. Continue: Philstar.com (source)



Malacañang umapela sa banta ng kudeta


2 sibilyan patay din sa Maguindanao clash

MANILA, Philippines – Dalawang sibilyan na naipit sa madugong bakbakan sa pagitan ng Special Action Force (SAF) commandos at Moro Islamic Liberation Front (M .. Continue: Philstar.com (source)



2 sibilyan patay din sa Maguindanao clash


Colorum trucks huhulihin na simula Pebrero 1 - LTFRB

MANILA, Philippines – Huhulihin na ang lahat ng trucks na walang franchise mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). .. Continue: Philstar.com (source)



Colorum trucks huhulihin na simula Pebrero 1 - LTFRB


Agarang pag-usad ng PDAF cases, isinulong

NAGHAIN na ng urgent motion sa Sandiganbayan ang government prosecutors para pabilisin ang pagtutok sa mga kaso may kaugnayan sa PDAF scam.


Sinabi ng prosecution na nagkakaroon na ng delaying tactics ang depensa kaya tila bumabagal ang usad ng kaso.

Kabilang sa mga sangkot sa PDAF scam sina Janet Lim-Napoles, Senador Juan Ponce Enrile, Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)



Agarang pag-usad ng PDAF cases, isinulong


2 tigok sa pagbagsak ng Air Force training plane sa Batangas

NAMATAY ang dalawang sakay ng two-seater plane na bumagsak sa Nasugbu, Batangas.

Batay sa impormasyon mula sa Philippine Air Force (PAF), isa sa kanilang training plane mula sa Lipa ang nag-crash.

Isa ito sa tatlong eroplanong may training flight sa lugar.

Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon hinggil dito. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)



2 tigok sa pagbagsak ng Air Force training plane sa Batangas


Bagong truck scheme ng MMDA, ipatutupad na

PAHIHINTULUTAN na ngayong bumiyahe ang mga trak sa Roxas Blvd. tuwing hatinggabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, magsisimula ito sa Pebrero 2, Lunes.

Sinabi ni Tolentino na layon ng naturang hakbang na maibsan ang holiday backlog ng mga truckers.

Tatagal ang naturang iskema hanggang Pebrero 15. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)



Bagong truck scheme ng MMDA, ipatutupad na


MILF Chair, kinumpirmang patay na si Marwan

TINIYAK ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Alhaj Murad ang naunang paggigiit nang sinibak na hepe ng PNP-SAF na napatay nila sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao si Malaysian terrorist Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.

Sinabi ni Murad na nalaman niya ang pagkamatay ni Marwan mula sa isang intelligence report.

Ayon kay Murad, napaligiran ng mga miyembro ng SAF ang kubo na kinaroroonan ni Marwan na unang nagpaputok sa mga awtoridad subalit ginantihan ito ng putok at napatay ng mga pulis.

Ang mga labi ni Marwan ay naiwan sa kubo na nagsisilbing bahay nito subalit kaagad namang nailibing.

Gayunman, inihayag ni Murad na nasa ibang lugar ang isa pang target ng pulisya na si Basit Usman na umano’y foreign trained bomb maker. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)



MILF Chair, kinumpirmang patay na si Marwan


Tampo ng slain SAF families, binura ni PNoy

NANINIWALA si Pangulong Noynoy Aquino na napawi na ang agam-agam at nabura ang anomang tampo kaugnay sa kanyang paghuhugas-kamay sa nangyaring Mamasapano massacre.

Ito’y matapos makausap ang lahat ng pamilya ng 44 na SAF members sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City hanggang kaninang madaling-araw.

Sinabi ni Communications Usec. Renato “Rey” Marfil, inabot ng 30-minuto ang pinakamatagal na nakausap ng Pangulong Aquino para lamang malinawan ang mga duda at pangamba matapos masawi ang mahal sa buhay na ‘breadwinner.’

Ayon kay Marfil, bawat pamilya ng napatay na SAF commando ay tatanggap ng mula P800,000 hanggang P1-million cash; permanenteng trabaho sa naiwang asawa o kapatid sa angkop na ahensya ng gobyerno; libreng edukasyon sa lahat ng anak mula kindergarten hanggang makatapos ng kolehiyo; livelihood program/package mula sa DTI; libreng bahay na ipapatayo ng National Housing Authority (NHA), maliban pa dito ang kaukulang benepisyo at assistance sa serbisyo.

Para naman matiyak na maibibigay ang lahat ng benefit packages, magpapadala si Interior Sec. Mar Roxas ng isang protocol officer sa bawat pamilya at aalis lamang kung naibigay na ang lahat ng naipangakong benepisyo.

Matapos daw ang usapan, magaan ang loob at napawi na ang agam-agam ng mga naulila at labis ang pasasalamat sa Pangulong Aquino. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)



Tampo ng slain SAF families, binura ni PNoy


P28M naabo, sa CDO Hall of Justice

MAHIGIT P28-milyon ang naitalang danyos sa pagkakasunog ng Benigno Aquino Hall of Justice sa Hayes St., Cagayan de Oro City kagabi.

Nabatid na umaabot sa general alarm dahil sa sobrang laki ng sunog na tumupok sa nasabing tanggapan ng gobyerno.

Ayon kay BFP District Fire Marshall Supt. Shirley Teleron, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na electrical short circuit ang isa sa posibleng dahilan sa pagsiklab ng apoy.

Kasalukuyan namang inaalam ang ulat na mayroong dalawang katao ang missing matapos ang malaking sunog.

Una nang nakitang nagsimula ang apoy sa mismong tanggapan ni Regional State Prosecutor Jaime Umpa na sinasabing siyang may hawak ng kontrobersyal na extra judicial killings na kinasasangkutan ng apat na akusadong mga pulis at isang abogado.

Isinara naman ang compound ng hall of justice dahil maraming nakatambak na ebidensyang baril at granada ang nakadeposito sa magkaibang korte. MARJORIE DACORO

.. Continue: Remate.ph (source)



P28M naabo, sa CDO Hall of Justice


Bebot todas, sa proposal ng nobyo

TODAS ang isang babae makaraang tumalon sa cliff nang mag-propose ng kasal ang kanyang kasintahan sa Spain.

Nabatid na nasawi si Dimtrina Dimtirova, 29, nang atakihin sa puso matapos tumalon umano sa 65-foot cliff.

Nadala pa ito sa pagamutan pero sinawimpalad na masawi.

Dumating ang kasintahan ng biktima sa Ibiza dalawang araw bago ang insidente.

Naulila ng biktima ang dalawang anak nito na edad 5 at 6. MARJORIE DACORO

.. Continue: Remate.ph (source)



Bebot todas, sa proposal ng nobyo


Mga kapwa-pulis, 'di alintana ang hirap maihatid lang sa kaniyang tahanan ang nasawing SAF trooper

Gamit ang kawayan, pinasan ng mga pulis ang ataul na pinaglalagyan ng mga labi ng isa sa nasawing kasapi Special Action Force ng Philippines National Police (PNP), at binagtas ang makitid na daanan para maihatid siya sa kaniyang tahanan sa Banaue, Ifugao. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Mga kapwa-pulis, 'di alintana ang hirap maihatid lang sa kaniyang tahanan ang nasawing SAF trooper


16-anyos na babae, nabuntis matapos daw pagsamantalahan ng amain

Dahil sa paglaki ng tiyan, hindi na naitago ng isang dalagita sa Iloilo ang pang-aabusong ginawa umano sa kaniya ng kaniyang amain ilang buwan na ang nakalilipas. .. Continue: GMANetwork.com (source)



16-anyos na babae, nabuntis matapos daw pagsamantalahan ng amain


2 piloto ng PAF, nasawi sa plane crash habang idinadaos ang exhibition flight sa Batangas

Dalawang piloto ng Philippine Air Force ang nasawi nang bumagsak sa dagat ang isang eroplano na bahagi ng isang exhibition flight sa Nasugbu, Batangas nitong Sabado ng umaga. .. Continue: GMANetwork.com (source)



2 piloto ng PAF, nasawi sa plane crash habang idinadaos ang exhibition flight sa Batangas


Palasyo, umapela sa mga may nalalaman na ilabas ang katotohanan sa Mamasapano clash

Hangad din umano ng Malacañang na malaman ang katotohanan sa likod ng madugong sagupaan na naganap sa Mamasapano, Maguindanao na nagresulta sa pagkakasawi ng 44 na kasapi ng Special Action Force ng Philippine National Police noong Linggo. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Palasyo, umapela sa mga may nalalaman na ilabas ang katotohanan sa Mamasapano clash


Dating barangay ang munisipalidad ng Mamasapano sa Maguindanao

Bukambibig ngayon ng marami ang "Mamasapano," ang munisipalidad sa Maguindanao na pinangyarihan ng madugong engkuwentro kung saan 44 na kasapi ng Special Action Force ng Philippine National Police ang nasawi. Alam ba ninyo na ang lugar na ito ay isang dating barangay? .. Continue: GMANetwork.com (source)



Dating barangay ang munisipalidad ng Mamasapano sa Maguindanao


Friday, January 30, 2015

Sa sinabotaheng Butuan Water District Krisis sa tubig

MANILA, Philippines - Sinabotahe umano ang operasyon ng Butuan City Water District (BCWD) kung kaya nakakaranas ngayon ng krisis sa tubig ang mga residente s .. Continue: Philstar.com (source)



Sa sinabotaheng Butuan Water District Krisis sa tubig


Pamilya ng SAF galit!

MANILA, Philippines - Nagpakita ng pagkadismaya at sama ng loob ang mga pamilya ng nasawing Special Action Force (SAF) men kay Pangulong Aquino sa necrologic .. Continue: Philstar.com (source)



Pamilya ng SAF galit!


SAF 44 lumaban din sa Zambo siege

MANILA, Philippines - Hindi lang sa Mamasapano, Maguindanao ipinakita ng mga nasawing miyembro ng PNP-Special Action Forces (SAF) ang kanilang katapangan at .. Continue: Philstar.com (source)



SAF 44 lumaban din sa Zambo siege


Libu-libong pulis nag-Sympathy Walk

MANILA, Philippines - Libu-libong alumni ng Philippine National Police Academy (PNPA), kabilang ang mga aktibo at wala na sa serbisyo ang nakiisa sa martsa b .. Continue: Philstar.com (source)



Libu-libong pulis nag-Sympathy Walk


Posthumous promotion

MANILA, Philippines - Gagawaran ng posthumous promotion ng PNP ang 44 bayaning SAF na nagbuwis ng buhay sa Maguindanao. .. Continue: Philstar.com (source)



Posthumous promotion


Mr. President, help us!

MANILA, Philippines - Ang mas nakaantig sa damdamin ng mga pulis ay ang mensahe ni Erica Pabalinas, biyuda ng nasawing si Sr. Inspector Ryan Pabalinas. .. Continue: Philstar.com (source)



Mr. President, help us!


2 uri ng mansanas pina-recall ng DTI

MANILA, Philippines - Dahil umano kontaminado at mayroong delikadong bacteria, pinapa-recall ng Department of Trade and Industry (DTI) sa merkado ang dalawan .. Continue: Philstar.com (source)



2 uri ng mansanas pina-recall ng DTI


Hirit ng OSG sa isyu ng LRT, MRT fare hike kinontra

MANILA, Philippines - Naghain ng pagkontra ang grupong Bayan laban sa kahilingan ng Office of the Solicitor General (OSG) na mapalawig ang panahon ng pagsusu .. Continue: Philstar.com (source)



Hirit ng OSG sa isyu ng LRT, MRT fare hike kinontra


Abogado ni Revilla nagbitiw

MANILA, Philippines - Nagbitiw na sa kanyang tungkulin bilang abogado ni suspended Sen. Bong Revilla si Atty. .. Continue: Philstar.com (source)



Abogado ni Revilla nagbitiw


WATCH: Ang kuwento ng 'lone survivor' sa tropa ng PNP-SAF sa Mamasapano encounter

Lumaban hanggang maubusan ng bala. Gumapang, sumisid, nagtago sa mga water lily upang maiwasan ang mga bala ng mga sniper ng kanilang mga kalaban. Kilalanin ang tanging miyembro ng 55th Special Action Company na nakaligtas sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao. .. Continue: GMANetwork.com (source)



WATCH: Ang kuwento ng 'lone survivor' sa tropa ng PNP-SAF sa Mamasapano encounter


'Last man standing' sa 'Fallen 44,' nakita ang bangkay na may hawak na granada

"Maliit lang pero matapang, parang tiger." Ganito inilarawan ng isang heneral si Senior Inspector Max Jim Tria, ang miyembro ng "Fallen 44" na huling naitumba ng mga kalabang armado sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Linggo. .. Continue: GMANetwork.com (source)



'Last man standing' sa 'Fallen 44,' nakita ang bangkay na may hawak na granada


OPERASYON NG PNP-SAF vs MARWAN, TAGUMPAY

NAKALULUNGKOT ang nangyari sa pagkakapatay sa 44 na miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) nang sila’y tambangan ng pinagsanib na grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers (BIFF) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para hulihin sina Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Kumander Bassit Usman ng Jemaah Islamiyaah terrorist group noong nakaraang Linggo sa Mamasapano, Maguindanao.


Ang matindi pa rito, ang daming samu’t saring ispekulasyon ang lumabas na sa bandang huli ang mga namatay na SAF ang sinisisi pa!


Kesyo hindi raw nakipag-koordinasyon ang SAF sa MILF kaya nagkaroon ng misencounter sa pagitan ng mga ito at may anggulo rin na kesyo ang ‘reward money’ ang dahilan kaya isinakatuparan ang operasyon sa pagtugis kina Marwan at Usman.


Ang masakit pa nito, bandang huli kung sino pa ‘yung hepe ng PNP-SAF na si Gen. Getulio Napeñas na nanguna sa pagtugis sa wanted na sina Marwan at Usman ay siya pa ang sinibak ni DILG Sec. Mar Roxas.


Anong klaseng gobyerno mayroon tayo kung si Sec. Roxas ang magiging Pangulong ng Pilipinas.


Sa totoo lang ay dapat nga ay ipagbunyi at i-promote natin si Gen. Napeñas sa kanyang mahusay na pamumuno sa pagtugis sa mga kaaway ng ating bansa!


Alam ba ninyo bayan, ‘successful’ ang operasyon ng PNP-SAF. Bagama’t may nabuwis na buhay sa SAF ay napatay naman nila ang most-wanted na si Marwan.


Katunayan, ayon sa ating ‘source’, ay pina-DNA test na sa Amerika ang specimens at blood ni Marwan at sa loob ng tatlong linggo ay lalabas na ang resulta nito. Tingnan natin.


MALAKAS SA KAPWA PULIS


Patuloy ang operasyon ng bookies ng karera ni PO2 Presnedi alyas Pacnoy sa Maynila. Hindi kumikilos ang mga kapulisan dahil malaki ang natatanggap ng mga ito ng I.N.T. (lagay) kay Pacnoy.


***

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


.. Continue: Remate.ph (source)



OPERASYON NG PNP-SAF vs MARWAN, TAGUMPAY


MAGKAKA-PARTNER SA PROGRESO

MALAKING patunay kapag nagkakaisa ang mga tao sa pamahalaan sa pangunguna ng alkalde, ang pulis at maging ang barangay tiyak ang bayan at ang mamamayan ang makikinabang at panalo.


Tulad na lang sa San Jose del Monte, Bulacan, makikita rito ang matatag na samahan, lalo na kapag kampanya sa iligal na droga ang pag-uusapan. Nangunguna riyan si Mayor Rey San Pedro, kasama ang hepe ng kapulisan na si Supt. Charlie Apil Cabradilla na kilala rin sa lungsod dahil sa regular na pakikipag-ugnayan nito sa mga opisyal ng barangay.


Mismo itong ating dating kasamang si Kagawad Dion Aque ng Bgy. Muzon ang makapagpapatunay ng magandang ibinubunga kapag lahat sa pamahalaan ay iisa ang layunin at siyempre malaking bagay kapag mahusay ang namumuno. Kaya swerte ang mga residente sa lungsod ng SJDM, may masipag at diretsong alkalde sila na walang iniisip kundi ang interes ng lungsod at kanyang constituents.


‘Di naman nakapagtataka kasi kung hindi mahusay itong si Mayor ‘RSP’, eh, bakit ngayo’y kabi-kabila ang mga ipinatatayong imprastraktura, bukod sa mga bagong kalsada at pinatibay na mga tulay?


Kaya naman madali nitong nakumbinsi ang mga malalaking investors sa bansa tulad ng SM at Ayala Land na maglagay ng mga higanteng mall sa lungsod na tiyak ang mas malaking buwis na papasok sa kaban ng bayan at mas maraming mamamayan ang siguradong magkakaroon ng trabaho, ayos ‘di ba?


Sa laban sa droga, kamakailan lang ay nasakote ng mga tauhan ni Supt. Cabradilla ang tatlong kababaihan na sina Milagrosa Guillermo, 48; Edna Lunasin, 52; at Angela Bautista, 20, pawang mga residente ng Pabahay 2000 sa Bgy. Muzon.


Dahil sa impormasyon mula sa concerned citizen, agad inalerto ni Supt. Cabradilla ang puwersa ng SAID-SOTG at COMPAC-3 sa pangunguna ni Insp. Jason Quijana at ikinasa ang isang buy-bust operation. Ayun tiklo ang tatlo!


Mabuhay kayo, Mayor RSP, Supt. Cabradilla at siyempre ang aking kaibigan, si Chairman, este Kagawad Dion!


53RD CALOOCAN CITYHOOD


Tiyak masaya na naman sa Caloocan sa pagdiriwang ng ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang isang lungsod. Ayon kay Ms. Betsy Luakian, ang maganda at mahusay na pamangkin at secretary to the mayor ni Mayor Oca Malapitan, maraming inihandang programa ang lungsod bilang bahagi ng okasyon na nagsimula kahapon hanggang sa Pebrero.


“January 31, 6 a.m., will be a motorcade and parade of various floats highlighting the city’s mega-projects and Ms. Caloocan candidates at the Northern side of the city. February 1 will be the same motorcade and parade at the Southern side,” ayon kay Mayor Oca.


Ang mga kaganapan ay tulad ng battle of the bands at cultural show sa University of Caloocan City; Mega-Job Fair sa City Hall South; Mega-People’s Day sa City Hall South at City Hall North; Senior Citizens’ Valentine Party sa Feb. 14 pareho sa City Hall South at North; Kasalang Bayan sa Glorieta Tala mismo sa Feb. 14; at Schools Athletic League Championship Games sa Caloocan High School.


Mabuhay ka, Mayor Oca at Ms. Betsy! GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO


.. Continue: Remate.ph (source)



MAGKAKA-PARTNER SA PROGRESO


SALUDO

SUGATAN ang puso nating mga Pinoy.


Lumuha ang buong bansa dahil sa nangyari sa ating mga pulis sa Maguindanao.


Nagdeklara ng National Day of Mourning ang Pangulong Noynoy Aquino upang bigyang-daan ang pagluluksa ng sambayanan.


Kahit ang mga taga-Manila, na malayo sa pinangyarihan ng krimen, maging ‘yung mga hindi naman kilala ang mga biktima ay lumuha, taimtim na nag-aalay ng dasal sa mga namatay at sumisisigaw ng hustisya.


Masakit sa mga kaanak ng mga biktima ang mga litrato sa mga pahayagan, ang kanilang mga mahal sa buhay, ang ating mga pulis, pinagpapatay sa isang engkwentro na hanggang ngayon ay walang malinaw na eksplanasyon kung paano nangyari at bakit.


Magkakaroon ng imbestigasyon, sabi ng Pangulo.


Pero ang sabi ng marami ay napahamak na raw ang kasalukuyang peace process dahil sa nangyari.


Mas marami na raw ang mag-aatras ng suporta sa Bangsamoro Basic Law, ang panukalang batas na naglalayon na magkaroon na raw ng katahimikan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa mga kapatid nating mga Muslim sa paraan ng self-governance.


Pero sa gitna ng mga kasalukuyang kalituhan at kawalang linaw sa mga nangyari, sa pamamagitan ng kolum natin na ito, gusto kong mag-alay ng dasal para sa mga nasawi sa Mamasapano, sa Maguindanao, at sa mga nagdadalamhati nilang pamilya.


Ang pangyayari ay nagbigay-pighati hindi lang sa kanila kundi sa buong bansa. Lahat tayo ay namatayan dito.


Hayaan ninyo akong magpugay sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan na ang tanging tungkulin ay panatilihin ang kapayapaan sa bansa.


Nais kong saluduhan ang mga pulis, ang mga militar na pinili ang karera na halos araw-araw ay ibinubuwis ang kanilang buhay sa pagseserbisyo sa ating mga Filipino.


Salamat sa inyo. Salamat sa mga sakripisyo ng inyong pamilya at sana ay patnubayan kayong lahat ng Poon Nating Maykapal.


***

Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com or i-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


.. Continue: Remate.ph (source)



SALUDO


SUNOG AT PAGSUBOK (1)

MATAGAL ding nawala ang Bigwas dahil sa napakatinding pagsubok na dumating sa buhay ng inyong lingkod. Isang araw bago mag-Bagong Taon ay nasunog ang aming bahay na unti-unti kong ipinundar sa loob ng 20 taon.


Maliban sa mga damit at ilang kagamitan ay naging uling at abo ang aking mga pinagsikapan.


Pauwi na ako galing sa maghapong pagbibisikleta, kasama ang grupo ng Tiklop Society of the Philippines, nang magdesisyon akong tingnan ang aking cellphone. Mag-aalas-singko na ng hapon noon at nagtaka ako sapagkat napakaraming missed call ang aking anak. Agad naman akong nag-return call at dito ko nalaman na kasalukuyang nasusunog ang aming bahay.


Hindi ko alam ang aking gagawin sa mga oras na iyon. Tatawag ba ako ng taxi at isasakay ko na lang ang aking bisikleta o bibisikletahin ko na lang hanggang sa amin?


Nagpasya akong gamitin na lang ang aking bisikleta at hindi naman ako nagkamali sa aking desisyon sapagkat naipit sana ako sa traffic na dulot ng mga last minute shopping kung sumakay ako sa taxi.


Wala pa sigurong kalahating oras ay nakarating ako sa amin magmula sa bandang Sta. Cruz dahil sa pagbabaka-sakaling may mga maisalba pa ako sa aming bahay.


Agad kong naisip ang mga bala at mga baril na aking iniingatan sa isang steel vault.


Bilang isang mediaman, active sports shooter at miyembro ng Philippine Practical Shooting Association (PPSA) ay may mga lisensyado akong baril at may mga iniingatan din akong mga bala na gamit sa training.


Maaari malagay sa panganib ang mga bumberong rumesponde kapag pumutok ang mga ito.


Noong pumasok ako sa aming compound ay sinubukan akong pigilan ng mga pulis at bumbero subalit nang sabihin ko na bahay ko ang isa sa mga nasusunog at ipinaliwanag ko ang panganib na maaaring dulot ng mga nakatagong bala sa loob ay pinayagan akong makapasok sa aming compound at sa aming bahay.


Bagama’t gusto kong magwala at umiyak sa mga oras na iyon dahil sa sama ng loob ay pinigilan ko ito at pinilit kong mag-focus sa aking misyon sa mga oras na iyon at ito ay ang makuha ang vault sa loob ng kuwarto namin.


Pagpasok ko ay kasalukuyan pang kinakain ng apoy ang katabing kuwarto ng aking anak at may mga apoy rin sa loob ng aming kwarto.


Sa tulong ng isang bumbero ay napilit naming mahila at mailabas ang vault na naglalaman ng mga baril at bala.


Dahil hindi naman gaanong malaki ang apoy sa aming kuwarto ay nagpasya akong bumalik pa sa loob at pinilit kong isalba ang aming mga damit at iba pang mga kagamitan namin, kasama na ang aking camera bag na nakalagay sa cabinet.


Doon pa lang ay nagtaka na ako kung bakit wala ang aking camera na isang Nikon 3100 samantalang buo naman at ni hindi nadampian ng sunog ang kinalalagyan nitong camera bag.


Ngunit isinantabi ko ang aking pagtatakang ito dahil na rin sa aking pagnanais na makapagsalba pa ng mga natitirang gamit sa loob ng bahay.


Sa halos isang oras kong pabalik-balik sa loob hanggang sa tuluyan na ngang maapula ang apoy na hindi siguro kakasya sa isang trak ang aking mga naisalbang mga damit, sapatos, mga unan at kumot, mga libro at iba pang mga dokomento at kung ano-ano pa.


Gayunpaman, nakapanghihina pa ring isipin na ang bahay na aking pinaghirapan ay tuluyan nang nilamon ng apoy.


Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha sapagkat ni hinagap ay hindi ko inisip na uubusin lamang pala ng apoy ang mga bunga ng aking pagsisikap sa loob ng dalawang dekada.


****

Para sa inyong mga sumbong tungkol sa mga mali sa lipunan at mga tiwaling lingkod-bayan, mga komento at suhestyon at mag-email lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com. BIGWAS/GIL BUGAOISAN


.. Continue: Remate.ph (source)



SUNOG AT PAGSUBOK (1)


Umano'y drug pusher na tumatakas sa mga awtoridad, namatay nang nagkamali ng talon sa dagat

Sinalakay ng mga awtoridad ang bahay na pinagtataguan ng isa umanong big-time drug pusher sa Davao City. Matatakasan na sana ng suspek ang mga awtoridad kung hindi lamang sa isang pagkakamali sa kaniyang pagtalon sa dagat na dahilan ng kaniyang pagkamatay. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Umano'y drug pusher na tumatakas sa mga awtoridad, namatay nang nagkamali ng talon sa dagat


Security guard, patay sa pananaksak ng selosong lalaki

Nakunan sa closed-circuit-television camera ang pananaksak at pagpatay ng isang lalaki sa isang security guard sa Pasay City. Ang motibo umano ng nahuling suspek, selos. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Security guard, patay sa pananaksak ng selosong lalaki


Toni at direk Paul, tuloy na ang kasalan!

TINIRA ni Manang Cristy Fermin sa kanyang kolum kahapon sa isang panghapong tabloid ang mga magulang ni Toni Gonzaga na sina Mommy Pinty at Vice-Mayor Carlito tungkol sa panghaharang daw ng mga ito sa pagpapakasal ni Toni sa kanyang fiance na si Direk Paul Soriano.


Ang pangit ay ‘yung pinararatangan niya ang showbiz mom na natatakot daw ito na mabawasan ang kanilang kita kapag nag-asawa na ang panganay nito. Nag-text kami kay Mommy Pinty para kunin ang side nito, pero hanggang sa sinusulat namin ang aming column ay wala kaming natatanggap na sagot mula sa controversial mom.


Samantala, mukhang kuryente naman ang isinulat ng oslang host at kolumnista dahil narinig namin na last Tuesday night nag-propose na si Direk Paul kay Toni sa Manila Resorts World at present sa special na announcement na ‘yun ang pamilya ng direktor at ng nobyang aktres. Kasama ni Toni nu’ng mga oras na ‘yun ang kanyang Mommy Pinty at Daddy Carlito kaya hindi totoong tutol ang mga ito sa pagpapakasal ng kanilang anak.


Saan kaya napulot ni Manang Cristy ang inimbentong balita, sa kisame ng kanyang bahay o sa CR?


Certified no crediblity at all gyud!


***


AICELLE SANTOS AT JAYA, KAMUKHANG-KAMUKHA SA GGSS NG EB


Last January 23 ay pare-parehong ipinakita ng mga Kapuso star na sina Gardo Versoza, Sef Cayadona, Dabarkads Wally Bayola at Aicelle Santos na tulad ng mga sumasali sa Gayang-Gaya Siyang-Siya (GGSS) ng Eat Bulaga. May kakayahan din ang apat na kopyahin ang mukha at magpakita ng husay sa pagli-lipsynch ng mga pinasikat na mga song ng mga gagayahin nila sa celebrity edition ng GGSS noong Sabado. Like Gardo na sa kabila ng bruskong pangangatawan ay nakuhang i-impersonate si Tina Turner at may landi ang pagkembot nito sa ere. Kuhang-kuha naman ni Sef Cayadona ang sikat hanggang ngayon na dance moves ni late Michael Jakcson at Madam Auring na Madam Auring naman talaga ang arrive ng itsura ni Wally habang nili-lipsynch ang kanta ng famous fortune teller na “May Asim Pa.”


Pero ang talagang nag-stand out sa labanang ‘yun ay walang iba kundi ang produkto ng Pinoy Pop Superstar na at dating miyembro ng La Diva na si Aicelle. Matindi ang impact nito sa studio audience sa Broadway Studio at buong Barangay sa Jaya number nito kung saan parang pinagbiyak na bunga sila ni Jaya. Yes, gayang-gaya nito ang style ng pagkanta ng “Soul Diva” at siyang-siya ang anak ni Elizabeth Ramsay. Kaya’t among competitors ay si Aicelle Jaya Jaya Puto Maya ang naging choice para maging winner nina Jose, Paolo, Marian kasama ng 32 Dabarkads judges sa barangay na kanilang binisita.


Samantala, ngayong kumpleto na ang 8 finalists sa GGSS na kinabibilangan nina Iggy Azalea Salonga (Australian recording artist-model), Pinatawag Biglang Turner (Tina Turner), Taylor Sweep (Taylor Swift), Michael Jackstone (Michael Jackson), APL De Up and Down (APL de App), Beyon-Say My Name Say My Name (Beyonce), Charing Pempengco (Charice Pempengco) at PSY na si Psy-walk Vendor, bukas ay gaganapin na ang Grand finals ng GGSS sa Broadway Studio ng Eat Bulaga. Nakaka-excite kung sino ang tatanghaling first grand winner among 8 finalists. WALANG KIYEME/PETER LEDESMA


.. Continue: Remate.ph (source)



Toni at direk Paul, tuloy na ang kasalan!


Thompson, James, tinanghal na NBA ‘Players of the Week’

TINANGHAL bilang NBA Players of the Week sina LeBron James ng Cleveland Cavaliers at Klay Thompson ng Golden State Warriors sa kanilang mga laban mula January 19 hanggang 25.


Nanguna si James sa kanilang 4-0 week na may average na 27.8 ppg, 6.8 apg, 6.3 rpg at 2.25 steals. Hindi bumaba sa 25 puntos ang naitala ni James sa apat na laro nila, na kumana pa ng apat na steals sa magkasunod nilang laro noong Jan. 21 – 23, kontra sa Utah Jazz at Charlotte Hornets.


Enero 25 naman nang bumira si James ng 34 big points, pintong rebounds, limang assist at dalawang block sa 108-98 panalo nila kontra sa Oklahoma City Thunder.


Sa West, nag-average naman si Thompson ng 33.0 ppg kabilang ang 21-of-38 mula sa 3-pt. area at 2.25 steals per game sa kanilang 4-0 week.


Sa kanilang panalo naman kontra sa Sacramento Kings, 126-101, noong January 23, nag-ambag si Thompson ng 37 pts. sa third quarter, kung saan naitala ang bagong NBA record na may pinakamaraming puntos sa loob ng isang quarter.


Kabuuang 52 puntos ang kinana ni Thompson sa laban nilang iyon, kabilang ang mainit na 11-of-15 three-point shot.


Nominado rin bilang Players of the Week sina Paul Millsap ng Hawks, Monta Ellis ng Mavericks, James Harden ng Rockets, DeAndre Jordan ng Clippers, Anthony Davis ng Pelicans, Carmelo Anthony ng Knicks, Eric Bledsoe at Isaiah Thomas ng Suns, Kawhi Leonard ng Spurs at Kyle Lowry ng Raptors. GILBERT MENDIOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



Thompson, James, tinanghal na NBA ‘Players of the Week’


Ang babaeng nawawala sa sarili!

HONESTLY, I feel nothing but pity for this feisty former sexy actress who once was the hottest bold actress in the country.


Don’t get me wrong.


I will never get mad at this likeable personality who, way back during the early and mid 90s, was the hottest seductress at the bold genre.


Honestly, mas una ko siyang nakilala kaysa kay Crispy Chakita na todo-todo ang pagsisipsep sa kanya during that time for she (the bold actress) was naturally useful in her show raket. Hahahaha!


Classic talaga ‘yong ginawa ni Chakitang pangbobola sa palaban pero mabait na personalidad.


Mantakin mong pinaniwala niya itong special guest artist lang kuno sa isang show sa Kabisayaan pero kalabas-labas mo’y ito pala ang main performer roon. Hahahahahahahahahaha!


Okray, ‘di ba naman?


Anyway, kung si Bubonika, the toothless gurangga, (toothless gurangga raw talaga, o! Harharharhar!) ay talaga namang nakamumuhi (hayan, guranggetch, salitang-ugat ang inuulit, lowkah! Hahahahahahaha!) at numero unong tupperware at plastic, gusto ko ang personalidad na ‘to dahil honest siya sa kanyang sarili at likas siyang mabuting tao.


Fearless and feisty she veritably is but she’s more humane and sincere as compared to this synthetic-faced gurangga. Hahahahahahahahaha!


Whatever, kaya naman may katarayan ang ating subject ay dahil lumaki siya sa pagkalinga ng isang ina na iba ang pananaw sa buhay. Adoptive mom lang niya kasi ang kinalakhan niyang ermats kaya kulang ito ng pagmamahal sa kanya.


Kahit ang kapatid niyang lalaki ay inabuso siya at a young age kaya natuto siyang magtrabaho sa mga class na beer houses para mag-survive.


Anyway, fast forward tayo.


Lately, iba na ang mga kwento ng ating subject kapag napag-uusapan ang kanyang main pre-occupation these days. She’d loftily talk about billions of pesos that she’d purportedly give to some people who were supportive of her during the most trying moments of her existence.


Somehow, parang narinig na rin namin ang kanyang mga ikinukwento sa isang lady seeress na kaibigan namin na ngayo’y nakipag-reunion na sa ating Divine Creator.


Well, sana nama’y magka-career pang muli ang ating bida para naman hindi siya matukuyang magpaniwala sa mga bogus na taong ito na inieklay siyang there is purportedly billions of pesos in the fantasy deal that they are talking about.


How so very pathetic!


ELLA CRUZ SIZZLES!


Isa sa mga prime factors kung bakit top-rating ang afternoon soap ng Dreamscape Television na Bagito ay ang enticing presence ni Ella Cruz who’s the delineating the role of the woman of the world Vanessa.


Honestly, I love her character in this afternoon soap that gets aired before TV Patrol since it’s totally different from the kind of roles that she gets to delineate in most of the soap operas that she gets to star in and in the movies as well.


Young as she is, may shade of a femme fatale woman ang role niya rito na nabuntis inadvertently ng character ni Nash Aguas, that innocent-looking young man who has all the makings of a Christopher de Leon the moment he gets to mature a little.


Ang pagbabalik niya sa buhay ni Drew para bawiin ang kanilang anak ang crux ng story ng Bagito kaya lalong nagiging makulay at interesante ang plot nito.


Kaya pakatutukan ang lalo pang nagiging makulay na development sa afternoonsoap na ‘to ng Dreamscape Television.


Kita-kits!


HONEYMOON GALORE!


Nakatutuwa naman. Nasa abroad pala, Canada in particular, at nagha-‘honeymoon’ sina Kuya Boy Abunda at ang kanyang equally intelligent mate na si Bong Quintana kasama ang kanyang sister na mayor ng Borongan, Samar na si Mayor Fe Abunda at ang personal secretary niyang si Angel Philip Roxas.


After working so hard all these years, nag-decide naman ang dalawa na mag-unwind para makalimutan naman pansumandali ang pressing demands ng kanilang profession.


Oo nga naman. All work and no play makes Pepe a dull boy.


Anyway, Aquino&Abunda Tonight is never the same without the wit and candor of Kuya Boy.


Inasmuch as Kris Aquino happens to be cool and articulate, somehow, nami-miss pa rin namin ang mga amusing reactions ng king of talk kapag may interaction sila ni Krizzy baby.


***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.


And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ang babaeng nawawala sa sarili!


IMBES NA TULUNGAN, OFWs LALO PANG PAHIHIRAPAN

ANG inyong lingkod ay napailing sa gigil nang mabalitaan natin itong bagong kautusan kamakailan ng pamunuan ng Manila International Aiport (MIAA) na kung saan ay simula February 1 ng taong kasalukuyan, oobligahin nang magbayad ang ating mga overseas Filipino workers (OFWs) ng “terminal fees” sa tuwing sila’y aalis ng bansa sapagkat pag-iisahin na ang pagkolekta nito sa tuwing bibili sila ng kanilang “plane tickets.”


Giit ng MIAA, layunin ng Memorandum Circular No. 8 na matugunan ang suliranin ng “airport congestion” at “processing time” kaya napagkasunduan nilang pag-isahin na lamang ang mga bayarin sa eroplano tulad ng International Passenger Service Charge (IPSC) sa halagang P550 at ang mismong plane ticket.


Anila, ang napakaraming “payment counters” sa mga paliparan ay ang matagal ng nagpapabagal sa daloy ng mga taong dumarating at umaalis ng bansa.


Agree po tayo sa puntong inilatag ng ating mga kaibigan sa MIAA. Ang problema ng mahabang pila sa mga airport ay talaga namang kinakailangang tugunan at bigyan ng kalutasan, sa lalong madaling panahon.


Subalit, huwag naman isagawa ang pagreporma sana sa pamamagitan ng lantarang pagbabalewala at pagsasantabi sa isang batas – ang Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995- na nagdidiing hindi dapat pagbayarin ng anomang terminal fee at travel taxes ang ating overseas workers.


Sa ating huling pagsasaliksik, at pagtanung-tanung na rin sa mga eksperto, mas makapangyarihan pa rin ang isang batas na inaprubahan at pinagtibay ng Kongreso at Senado, at pinirmahan mismo ng pangulo ng bansa, kaysa sa isang “department memorandum” na sa tingin natin ay hindi man lang isinaalang-alang ang interes ng sektor na tinuturing kuno natin na mga “bagong bayani.”


Ang lusot ng ating airport officials, ire-refund naman daw ang naturang “terminal fees” na ibabayad ng mga OFWs. Sa katunayan, maglalagay sila ng mga “refund desks” upang matugunan ang isyu na ito.


Ito’y isang malaking kalokohan. Dagdag-abala sa mga magre-refund, dagdag-gastos sa ating pamahalaan. ‘Yan ang magiging resulta.


Santambak na proseso na nga ang pinagdaraanan ng ating OFWs bago makalarga, sandamakmak pa ang mga pinagkakagastusan ng mga ito maisaayos lang ang mga papeles na kailangan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.


Huwag naman. Kaya tayo ay nananawagan sa mga kinauukulan, HUWAG NAMAN SIRS. Ang awtomatikong exemption sa travel tax na lamang ang isa sa unting paraan na nakakatulong tayo sa mga OFWs, sa kabila ng limpak-limpak na remittances na kanilang naibabalik sa ating Inang Bayan.


Noon, ang mga bayani ay binabaril at pinahihirapan. Ngayon, ano na nga ba ang pagtrato ng lipunan sa kanila? PULSO NYO!/ DENNIS LEGASPI


.. Continue: Remate.ph (source)



IMBES NA TULUNGAN, OFWs LALO PANG PAHIHIRAPAN


VP Binay, pinagsasalita si Purisima sa Mamasapano encounter

HINAMON ni Vice-President Jejomar Binay si suspended Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima na magsalita na sa mga nalalaman nito sa madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 miyembro ng PNP-SAF.


“Basagin na niya ang kanyang katahimikan. Sa lahat ng lumalabas na ulat na palaging nabanggit ang pangalan ni Purisima ang nagplano at nagpatupad ng nasabing operasyon kahit siya’y suspendido na sa kanyang tungkulin,” sabi ni Binay sa isang pahayag kaninang umaga sa National Day of Mourning.


Linggo, Enero 25, nang magsagawa ng operasyon sa Mamasapano, Maguindanao ang isang grupo ng PNP-SAF para sana arestuhin ang dalawang teroristang nagtatago roon.


Habang paatras na ang pwersa, naka-engkwentro naman nila ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).


Maraming ulat ang naglabasan na may kinalaman ang suspendidong si Purisima sa madugong operasyon.


Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nitong batid ni Purisima ang operasyon pero tumigil na aniya ito sa partisipasyon nang ipatupad ng Office of the Ombudsman ang suspensyon nito.


“Sino ba ang nagplano at nag-utos ng operasyon? Sino sa bahagi ng MILF at BIFF ang nag-utos na tambangan ang mga miyembro ng SAF?” dagdag pa ni bise-presidente. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



VP Binay, pinagsasalita si Purisima sa Mamasapano encounter


TIMBOG!

UMABOT sa P50M halaga ng shabu ang nasabat ng mga operatiba ng QCPD-DAID sa tatlo Chinoy na naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Bgy. Loyola Heights, Katipunan, QC. IVAN GADDIA


.. Continue: Remate.ph (source)



TIMBOG!


Pagtiyak ni PNoy sa mga kaanak ng mga nasawing PNP-SAF: 'Mahuhuli natin si Usman'

Sa harap ng mga nagluluksang kaanak ng mga nasawing miyembro ng Special Action Force ng Philippine National Police, tiniyak ni Pangulong Benigno Aquino III na mahuhuli ang nakatakas na teroristang si Basit Usman. .. Continue: GMANetwork.com (source)



Pagtiyak ni PNoy sa mga kaanak ng mga nasawing PNP-SAF: 'Mahuhuli natin si Usman'


Tulong-pinansyal sa mga nasawing PNP-SAF, ipagkakaloob ng Maynila

NILAGDAAN na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang resolusyon na ipinasa ng Manila Council hinggil sa pagbibigay ng tulong pinansyal ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa may 44 nasawing mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) sa naganap na operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong nakaraang Linggo.


Sa nilagdaang resolusyon ni Estrada, mabibiyayaan ng may P100,000 cash ang pamilya ng may 44 nasawing tauhan ng SAF habang ang 12 sugatan naman ay mabibigyan ng P50,000 cash mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila.


Ang may-akda ng nasabing kautusan ay mismong si Vice Mayor Isko Moreno na sinuportahan naman ng miyembro ng Manila City Council bilang pagbibigay kahalagahan sa ginawang pagbubuwis ng buhay ng mga tauhan ng SAF matapos magsagawa ng operasyon sa Maguindanao.


Nakatakda namang ibigay ang naturang tulong pinansyal sa mga pamilya ng nasawing SAF gayundin sa mga sugatan na nakaligtas sa nabatid na operasyon sa susunod na linggo. JAY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



Tulong-pinansyal sa mga nasawing PNP-SAF, ipagkakaloob ng Maynila


USA nakiramay din sa pamilya ng PNP-SAF

NAGPAABOT din ng pakikiramay ang Amerika sa Pilipinas na nagdeklara ng Pambansang Araw ng Pagluluksa.


Sa official statement na ipinalabas ng US Embassy kaninang umaga, ipinaabot nito ang pakikidalamhati sa mga naiwang pamilya, kaibigan at kasamahan sa serbisyo ng 44 na mga miyembro ng PNP-SAF.


Nagbigay-pugay din ang Amerika sa katapangan ng SAF units para ipagtanggol ang kaayusan at kapayapaan ng bansa.


Muli rin namang tiniyak ng Estados Unidos ang kanilang commitment sa pagsuporta sa peace process sa Mindanao at ginagawang kampanya ng pamahalaan laban sa mga terorista.


“The United States reiterates its support for the Philippine government’s efforts to combat international terrorism while promoting a just and lasting peaceful resolution to the conflict in Mindanao,” bahagi pa ng statement.


Nitong nakalipas na araw ay agaw-pansin ang nakitang presensya ng ilang US troops na tumutulong sa pag-airlift sa mga sugatan. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



USA nakiramay din sa pamilya ng PNP-SAF


Ama, tinaga ng anak na may sayad

SUGATAN ang isang 47-anyos na ama ng tahanan nang saksakin ito ng kanyang sariling anak na may sakit umano sa pag-iisip makaraang sabihan umano siya ng nauna na huwag ng magpuyat at matulog na nang maaga habang nagte-text ang biktima kamakalawa ng gabi sa Pasay City.


Ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Rommel Villanuac, 47, mananahi, ng 613 Teacher’s Bliss Condominium 1, Bgy. 201, Merville ng naturang lungsod, sanhi ng tinamo nitong ilang saksak sa katawan buhat sa isang kutsilyo.


Nakatakda namang dalhin sa mental institution ang suspek na si Martin Villanuac, 23, ng naturang lugar.


Sa isinumiteng ulat kay S/Supt. Sidney Hernia, Officer-In-Charge (OIC) ng Pasay City Police, naganap ang insidente ala-1:30 ng hapon sa loob ng bahay ng pamilya Villanuac.


Sa halip umano na sumunod sa utos ng ama ay nagpunta ang suspek sa kusina at kumuha ng kutsilyo hanggang pagtatagain ang kanyang ama.


Matapos ang pananaksak ay agad namang dinala ang biktima ng kanyang mga kaanak sa naturang ospital. JAY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



Ama, tinaga ng anak na may sayad


Kaluluwa ng mga namayapang pulis, ipinasama sa misa

HINIMOK ni Cardinal Tagle ang lahat ng pari sa Archdiocese of Manila na isama sa kanilang misa ngayong araw, ika-30 ng Enero 2015, ang panalangin para sa kaluluwa ng 44 miyembro ng PNP-SAF sa Mamasapano, Maguindanao.


Ito’y pakikiisa at pagkilala ng Archdiocese of Manila sa kabayanihan ng mga pulis at tugon sa deklarasyon ng Pangulong Benigno Aquino III sa araw na ito bilang National Day of Mourning.


Hindi rin maitago ni Cardinal Tagle ang kanyang pangamba kung bakit kailangang mangyari ang hindi makataong pagpaslang sa mga kagawad ng PNP-SAF.


Ipinagtataka at ikinatatakot din ni Cardinal Tagle kung bakit kayang saktan ng tao ang kapwa tao at bakit kayang balewalain ng tao ang hangarin ng kapwa tao na kapayapaan.


“Personal ko ito, nasa harapan tayo ng misteryo ng dilim. Bakit kayang saktan ng tao ang kapwa tao, bakit kayang balewalain ang isang magandang hangarin ng kapayapaan? Kasi maganda naman ang kapayapaan, maganda naman ang magmahal pero bakit merong bahagi ng ating pagkatao na ayaw sumang-ayon d’yan? Nakakakilabot.” pahayag ni Cardinal Tagle sa panayam ng Radyo Veritas.


Nag-alay na rin ng panalangin ang cardinal sa mga nasawi gayundin para sa kanilang mga naulila upang maibsan nila ang kanilang pighati sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay.


Inamin din ni Cardinal Tagle, tulad ng pahayag ng Santo Papa na dumalaw sa bansa kamakailan na hindi rin niya malaman ang tamang katagang sasabihin sa mga naulila ng mga pulis para maibsan ang sakit at pananangis na dulot ng pagkawala ng kanilang mahal sa buhay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Kaluluwa ng mga namayapang pulis, ipinasama sa misa


Pagdaan ng mga truck sa Roxas Blvd., 2 linggo lang — MMDA

BINIGYAN ng dalawang linggong pahintulot ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga truck na dumaan sa kahabaan ng Roxas Blvd. na magsisimula sa Lunes (Pebrero 2).


Ang naturang pahayag ay isinapubliko matapos lagdaan ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang isang memorandum circular na nagbibigay pahintulot sa mga trucks na gamitin o dumaan sa kahaban ng Roxas Blvd. simula sa Lunes, mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw.


Nilinaw ni Tolentino na epektibo lamang ng dalawang linggo ang naturang pagpapahintulot sa mga truck na dumaan sa Roxas Blvd. na magsisimula sa Pebrero 2 hanggang Pebrero 15 ng taong kasalukuyan.


Dagdag pa ni Tolentino, hindi ipapatupad sa umaga ng Pebrero 7 at 14 dahil inaasahang makadagdag ito sa matinding trapik dahil weekends.


Paniwala ni Tolentino na ang naturang hakbang ay makatutulong sa pamahalan na tuluyan nang malutas ang problema ng port congestion.


Ayon pa kay Tolentino, pagkatapos nito ay nakatakda ng isailalim sa rehabilitasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Roxas Blvd. bilang preparasyon na rin sa idadaos ng APEC summit sa darating na Nobyembre.


Matatandaan na noong Disyembre ng nakaraang taon ay nagpatupad ng bagong truck regulation ang MMDA sa kabahaan ng Roxas Blvd. bilang bahagi ng paghahanda sa pista ng Poong Nazareno at sa Papal visit. JAY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagdaan ng mga truck sa Roxas Blvd., 2 linggo lang — MMDA


CHR independent probe, ibinabala sa Mamasapano clash

MAGSASARILING imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) hinggil sa madugong bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao, na ikinamatay ng 44 elite policemen sa kamay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).


Sinabi ni CHR chairperson Etta Rosales na ang unang hakbang ay kapanayamin ang ilan sa mga opisyales ng pamahalaan.


“We will be going, February 3 and 4, sa Cotabato first, because we will be meeting the regional government, and of course the regional human rights commission, and the Philippine National Police,” ani Rosales.


Umaasa rin si Rosales na makakausap nila ang mga lider ng MILF, na lumagda sa isang peace agreement sa gobyerno para marinig ang kanilang panig.


“If there are violation, eh ‘di kailangang ilabas natin iyon. We want the truth,” dagdag pa ni Rosales.


Naganap ang engkwentro nang magsagawa ng operasyon ang SAF, ang elitistang unit ng Philippine National Police (PNP), para isilbi ang arrest warrant laban kay Malaysian terrorist Zulkifli Bin Hir, alyas Marwan, na nakita umano sa loob mismo ng MILF-controlled village sa Mamasapano.


Pagtatanggol naman ng MILF officials na self-defense ang nangyari, habang ang inilarawan naman ng gobyerno antg insidente na isang “misencounter.” ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



CHR independent probe, ibinabala sa Mamasapano clash


P50-milyong halaga ng shabu nakumpiska sa QC, 4 arestado

AABOT sa P50-milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad matapos madakip ang apat katao sa isang buy-bust operation sa Quezon City kaninang umaga, Enero 30, 2015, Biyernes.


Kinilala ni Quezon City Police District director Senior Supt. Joel Pagdilao ang apat na nadakip na sina Kevin Ang Chua, 41, Buddhist, tubong Fu Jiang, China, ng 144 Reyna Regente St., Binondo, Manila; Zhi Gui Wang, Filipino Chinese, Buddhist, 32, tubong Fu Jiang China, ng Cubao, QC; Al-Insan Pangandag, 26, Filipino, tubong Marawi, ng Block 9, Lot 1, Santan St., Dasmariñas, Cavite; at Michelle Permali, Filipino, 30, dalaga, ng Samuel St., Bgy. Bungad, QC.


Ayon kay Insp. Maricar Taqueban, Public Information Office (PIO), nadakip ang mga suspek sa Alvero St., malapit sa kanto ng Katipunan St., Bgy. Loyola Heights, QC sa harap ng Shakey’s Restaurant dakong 7:45 ng umaga.


Sinabi sa ulat na nadakip ang mga suspek sa isang buy-bust operation ng mga operatiba ng QCPD-District Anti-Illegal Drugs sa pangunguna ng hepe nitong si C/Insp. Roberto Razon.


Nabatid sa ulat na naglunsad ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa mga suspek matapos pagbilhan ng dalawang kilong shabu ang isang police poseur buyer ng halagang P3-milyon.


Matapos iabot ang droga ay agad dinakip ang mga suspek at nakumpiska pa sa mga ito ang walong supot ng tig-iisang kilo ng shabu na nakalagay sa loob ng isang itim na paper bag sa loob ng isang sasakyan na Ford Focus (AAO-7880).


Kabilang sa kinumpiska ng mga awtoridad ang isang Mazda 6 na gray (SXM-908) AT Toyota Altis na silver (AAX-1689).


Nakapiit ngayon ang mga suspek at nahaharap sa kasong illegal drugs. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



P50-milyong halaga ng shabu nakumpiska sa QC, 4 arestado


Makupad na snatcher, kalaboso

SWAK sa kulungan ang isang kilabot na snatcher matapos hablutin ang mamahaling cellphone ng isang babae sa Quezon City kagabi, Enero 29, 2015 (Huwebes).


Kinilala ang suspek na si Anthony Concepcion, 30, binata, vendor, ng 57 Purok 12, Bgy. Commonwealth, Batasan, QC.


Nagharap ng reklamo ang complainant na si Jennelyn Culamar, 28, dalaga ng 63-A Interior 5 Banahaw St., Bgy. San Martin de Porres, Cubao, QC.


Ayon kay PO1 Bryan Busto ng Quezon City Police District (QCPD) station 10 – Kamuning, nadakip ang suspek sa Quezon City Memorial Circle (QCMC) Diliman, QC dakong 8:30 ng gabi.


Sinabi sa reklamo ni Culamar na naglalakad siya sa loob ng QC Memorial Circle nang pwersahang hablutin ang kanyang IPhone 4 na nagkakahalaga ng P20,000.


Agad nagsisigaw ang biktima na nakatawag naman ng pansin sa security guard ng parke na si Fratuso Taguilid at nadakip ang suspek.


Kasalukuyan ngayon nakapiit ang suspek sa himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong robbery snatching. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Makupad na snatcher, kalaboso