PUMANAW na ang isang beteranang aktres na si Tiya Pusit o Myrna Villanueva sa tunay na buhay ayon sa kumpirmasyon ng kanyang kapatid na si Nova Villa.
Binawian ang komedyante bandang alas-11:30 kagabi habang nasa Philippine Heart Center dahil sa aortic aneurysm at kidney failure na na-diagnose noong Agosto.
Natapos ang buhay ni Tiya Pusit sa edad na 66, habang binabantayan ng kanyang mga mahal sa buhay.
Sa ngayon, hindi pa nakapagpapasya ang pamilya ng aktres kung saan ito ibuburol at ililibing.
Agad namang nagbigay ng kani-kanilang mensahe ng pakikiramay ang mga nakasama ni Tiya Pusit sa industriya ng showbusiness. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment