HINILING ng isang solon sa gobyerno ang mabilis na paglalagay ng street lighting sa mga kalye sa Tacloban City upang maisaayos ang peace and order sa lugar at ang pagsisimula ng maliit na negosyo.
Kasunod ito ng hagupit ng bagyong ‘Yolanda’ na naglagay sa lungsod sa ‘ground zero’ noong Nobyembre 2013.
Ayon kay Sen. Koko Pimentel, maituturing na pinakaepektibong paraan para mabawasan ang krimen, takot at nakawan sa lugar ang street lighting.
Bukod aniya ito sa suporta ng mga pulis, pagkakaisa ng magkakapitbahay sa lugar at mga opisyal ng barangay.
Tinukoy nito ang pinakahuling pag-aaral na sa pamamagitan ng maayos na street lighting, agad na mahuhuli ang mga kriminal na kadalasang umaatake o nananamantala sa madidilim na lugar.
Mapabibilis din ang paghingi ng saklolo ng mga residente sa pinakamalapit na police station at mga opisyal sa lugar kung may krimen.
Sentro ng komersiyo at tanggapan ng national government agencies sa Eastern Visayas ang Tacloban City.
Dapat aniya para ipakita ng gobyerno sa buong mundo ang pagkilos nito upang makontrol ang krimen sa lungsod.
Sa ulat aniya ng Philippine National Police (PNP), bumaba ang crime rate sa unang kalahating taon ng 2014. Linda Bohol
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment