MAKARAANG magtapyas ng presyo ng petrolyo ang Flying V nitong Linggo, susunod na rin na magbabawas ng presyo ng langis ang Peron at Seaoil mamayang alas-12:01, Martes ng madaling-araw.
Ang Petron at Seaoil ay magbabawas ng P0.35 kada litro sa diesel at kerosene, bukod pa sa P0.15 kada litrong tapyas sa gasolina.
Magbababa rin ng P0.30 kada litro sa diesel ang Shell, P0.35 sa kerosene at P0.10 sa gasolina.
Alas-12:01 ng madaling araw din ang rollback ng PTT Philippines ng P0.35 kada litro sa diesel at P0.15 sa gasolina. Gina Roluna
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment