TOTOO palang na-insecure si Judy Ann Santos kay Solenn Heusaff nang malaman niyang magkasama silang dalawa sa indie film na Tiyanak na kalahok ngayon sa Horror Plus Festival ng FDCP na magsisimulang ipalabas sa lahat ng sinehan ng SM Malls sa Pilipinas simula sa October 29.
Ayon ito sa director ng Tiyanak na si Peque Gallaga nang nakahuntahan namin sa isang resto sa Timog, Ave. recently. Naikwento ni Peque na insecure sa simula si Juday kay Solenn dahil super-ganda at super-sexy. Magaling mag-English at mag-French. Bukod pa sa pagiging singer at painter at the same time.
Nang malaman ito ni Solenn, natawa lang siya. Kasi, kilala niya si Juday na magaling na actress, matagal na sa showbiz. Bukod pa nang nag-Eat Bulaga siya noon, ikinukwento si Juday ng asawang co-host na si Ryan Agoncillo sa kanya.
Nasabi rin ni Solenn na dapat ay siya ang ma-insecure dahil alam niyang super-galing ni Juday sa drama. Si Solenn ay nagsisimula pa lang sa showbiz ngayon kaya milya pa ang agwat sa showbiz ni Juday kaysa kay Solenn.
Para mawala ang insecurities ng bawat isa kapag nagti-take na sila ng mga eksena sa Tiyanak, pinag-workshop kahit one day ni Peque sina Solenn at Juday. Purpose ng workshop ay para maging gamay ang dalawa sa isa’t isa. Kailangan din nilang maging at ease sa mga eksenang kahaharaping ng bawat role.
Resulta, magkasama na agad sina Juday at Solenn sa isang tent. Naging magkaibigan sila in short time. Bukod pa sa at ease na sila sa mga eksenang mahihirap nilang gagawin.
Atribida ang role ni Juday sa sa Tiyanak. Ayaw niya kay Solenn, na lumabas na asawa ng kanyang kapatid. Panay kasiraan ni Solenn ang kanyang binabanggit.
Horror drama ang Tiyanak, kaya maraming eksenang gugulatin at paiiyakin din kayo dahil sa buhay ng dalawang pangunahing characters na sina Juday at Solenn. ON THE SET/NOEL ASINAS
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment