Monday, October 27, 2014

Pinu-push para ma-realize na bongga sila

NARARAMDAMAN ng ibang cast ng “Forevermore’ na posibleng ma-develop sina Enrique Gil at Liza Soberano. Matatapatan ba nila ang kasikatan ng tandem nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?


“Not exactly like them kasi malayo po, … Sila, stable na po ‘yung loveteam nila, kami po hindi pa. Pero nagho-hope at nagpi-pray po na sana ay maging establish din po na maging one of the big loveteams,” deklara ni Liza sa pocket presscon ng “Forevermore” na magsisimula na ngayong October 27 sa ABS-CBN 2.


Sa kalagitnaan ng istorya ay magiging ka-love triangle nila si Yves Flores na naging ka-love triangle rin ng Kathniel sa Got To Believe. Paano niya ikukumpara ang dalawang loveteam?


“Pareho po silang mabait. Masaya po ako kasi after ng Kathniel, dito naman ako kina Enrique at Liza, tapos primetime pa,” ani Yves.


Dream din niya na balang araw ay darating din ang time na sila rin ni Liza ang pagtambalin at hindi lang nakikigulo sa loveteam nina Enrique at Liza.


Ang iba pang bagets na kasama nila ay produkto ng ‘Luv U’ at Pinoy Big Brother gaya nina Yves Flores, Kit Thompson, Joj at Jaj Agpangan, Marco Gumabao, CJ Navato at Igi Boy Flores.


Ang ‘Forevermore’ ay kinunan sa Baguio at sa Benguet. Ang ibang kasama nina Liza at Enrique ay may experience raw na multo sa tinuluyan nilang hotel.


Bagama’t walang naranasan si Liza na multo, sina Joj at Jaj ay may kwento.


Sabi ng PBB Twins, ‘yung first na pagpunta ay masaya raw sa set, wala silang masyadong tulog, pagod pero magaan daw sa set. Pero ‘yung first night daw nila sa hotel, akala nila ay may tao sa kabila at umiiyak. Tapos may kumatok, binuksan nila wala namang tao. Tapos 3 AM daw ay gising na sila, naliligo na dahil may calltime sila, tapos may narinig na naman silang umiiyak, tapos kinakausap na lang nila via door lang kung okey lang daw ba ito, lumabas raw sila dahil akala nila ay staff pero nalaman nila wala namang tao sa katabi nila. Iyak daw ng babae ang naririnig nila na parang nanay, hindi tipikal na bata.


Tinanong daw nila ‘yung staff kung ano ang history or something pero ang kwento nila ‘yung katabi raw nilang hotel ay parang may mag-dyowa na nagpatayan daw. Dahil dito, nag-transfer daw sila ng hotel.


Sa mga boys naman ay may kwento si Marco na natutulog daw ang mga kasama niya dahil 6AM silang nag-pull out sa taping, pagod na pagod sila pero siya ay hindi pa inaantok kaya nag-cellphone lang siya. Tapos sa ceiling daw ay parang may kumakatok kaya natakot din siya.


“Pero masaya sa set kasi sobrang lamig sa Baguio. Syempre masaya para sa amin, hindi kami pinapawisan pero nakakaloko run ‘yung init, akala mo sobrang lamig pero nasusunog ka na pala. So, lahat kami as much as possible, nagtago kami sa araw kasi masakit sa balat ‘pag nasusunog,” sey pa ni Marco.


Tinanong din ang mga bagets cast kung ano ang napapansin nila kina Liza at Enrique, may kilig ba? Pwede ba silang ma-develop? “Pwedeng ma-develop,” mabilis na tugon ng PBB Twins.


“Kinikilig nga kami. Dyino-joke nga namin sila palagi. Pinu-push nga namin para ma-realize nila sa huli, ‘di ba?”


Ano ang reaksyon ni Liza na tinutukso sila ni Enrique?


“Wala, sabi ko hindi. Nahihiya po ako, e!


Bat ang sabi lumalalim na?


“Mas nagkakakilala lang po,” tugon niya.


Kung hindi ba siya pinagbawalan ng manager niya, pwede na siyang magka-boyfriend?


“Ako rin mismo, ayaw ko..kasi ayaw ko po ng masyadong maraming iniisip sa ngayon,” aniya.


Isa lang naman ang iisipin niya, eh?


“Hindi, may trabaho, eh,” sagot pa ni Liza.


Nag-usap daw sila ng daddy niya na mga 22 pa siya pwedeng tumanggap ng manliligaw at mga 24-years old na siya magbo-boyfriend.


Matuk mo ‘yun walong taon maghihintay ang lalaki dahil sixteen siya ngayon. Nasa 30’s na si Enrique kung hihintayin siya kaya nagtawanan.


Sinasabi nilang si Liza ang bagong Hilda Koronel? Ano ang masasabi niya?


“Nakaka-flattered naman po syempre kasi big star siya. Kung ico-compare ako sa kanya, nakaka-touched,” bulalas niya.


Pero ayon sa isang nirerespetong beterang writer, si Hilda ay mga 16 diumano nu’ng ikasal pero naghiwalay rin agad?


“16 po? Sixteen talaga? Hala…ha!ha!ha!,” reaksyon pa niya.


Anyway, mapanonood na ngayong Lunes (Oktubre 27) ang pinakabagong romantic drama series ng ABS-CBN at Star Creatives na “Forevermore”. Sa ilalim ng direksyon ng Master Love Storyteller na si Cathy Garcia-Molina at Ted Boborol.


Kukumpleto sa “Forevermore” cast sina Sophia Andres, Zoren Legazpi, Lilet, Marissa Delgado, Joey Marquez at Almira Muhlach.


Damahin ang saya at pait ng unang pag-ibig sa Forevermore, gabi-gabi, simula ngayong Lunes pagkatapos ng Hawak-Kamay sa ABS-CBN Primetime Bida. XPOSED/ROLDAN CASTRO


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinu-push para ma-realize na bongga sila


No comments:

Post a Comment