Wednesday, October 8, 2014

Piko ibinaon sa sentido ng tile setter, todas

BUTAS ang sentido, luwa ang mata at namaga ang mukha ng isang tile setter nang hatawin ng piko sa ulo ng kasamahan sa trabaho sa isang construction site sa Pandacan, Maynila.


Nakabaon pa sa ulo ng biktimang si Arnold Fuentes Palabrica, 29, ng Tripa de Gallena, Pasay City ang anim pulgadang piko.


Pinaghahanap naman ang tumakas na suspek na si

Bonimar Rodriguez, 28, mason at kasamahan ng biktima sa trabaho, ng Taguig City.


Sa ulat, naganap ang insidente sa itinatayong Peninsula Garden Midtown Homes, sa Quirino, Pandacan, Manila kahapon.


Sa pahayag ng testigong si Eddie Gallego, 38, nakatagilid na natutulog ang biktima nang hatawin sa sentido ng suspek.


Ang alam lamang umano ng testigo ay nagalit ang suspek sa biktima dahil nakialam ito sa cellphone niya. Jocelyn Tabangcura-Domenden


.. Continue: Remate.ph (source)



Piko ibinaon sa sentido ng tile setter, todas


No comments:

Post a Comment