Wednesday, October 8, 2014

Negosyante sa Pangasinan binoga, todas

MANAOAG, PANGASINAN – Isang businessman na dating barangay kagawad ang patay nang pagbabarilin sa Manaoag, sa nasabing lalawigan.


Kinilala ng Manaoag police ang biktimang si Ildefonso Malagayo na binaril sa loob ng compound sa Bgy. Pantal, sa nasabing bayan.


Sa imbestigasyon, ang hindi pa nakikilalang suspek ay binaril si Malagayo nang malapitan saka sumakay ng motosiklo na ninamaneho ng isa pang kasamahan nito.


“Ang akala ng mga naroon, bibili lang. Pero suddenly kaharap niya ‘yung biktima ay binunot ‘yung baril at agad na pinaputukan ng dalawang beses,” ani Manaoag police operations officer Inspector Rowel Albano.


Ka-chat pa ng biktima ang kanyang kamag-anak sa abroad sa labas ng kanyang bahay nang siya’y barilin.


“Hindi ko po alam, parang kampanteng-kampante ang ano ko kasi nang hindi lumalabas ang asawa ko buhat nang huminto na kagawad,” ani Carmelita Malagayo, maybahay ng biktima.


Narekober ng awtoridad sa crime scene ang mga basyo ng .45 pistol. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



Negosyante sa Pangasinan binoga, todas


No comments:

Post a Comment