Sunday, October 26, 2014

Malacañang nakaabang sa Binay-Trillanes debate

SABIK na rin ang Malacañang sa debate nina Vice President Jejomar Binay at Sen. Antonio Trillanes IV.


Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, bahagi ng demokrasya ang pagkaroon ng debate na mainam para sa dagdag na kaalaman ng taong bayan sa dalawang opisyal.


Magugunitang si Binay mismo ang naghamon kay Trillanes ng debate na agad namang kinagat ng senador sa pagsasabing dapat tiyak na matuloy ito.


Ayon kayTrillanes, kahit hindi siya sinanay sa debate bilang dating sundalo ay haharapin niya si Binay kahit dehado siya sa layunin na marinig lamang ng taong bayan ang bise presidente kaugnay ng mga isyu na ipinupukol laban sa kanya.


Nabatid na hindi dumadalo si Binay sa imbestigasyon ng Senate blue ribbon subcommittee sa pagsasabing maaga siyang hinusgahan dahil sa pulitika.


Sa ngayon ay inaayos na ng pamunuan ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang debate ng dalawang opisyal. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Malacañang nakaabang sa Binay-Trillanes debate


No comments:

Post a Comment